Pelvic ultrasound
Good day po! 1st time ko po ma pelvic ultrasound. Nagulat ako sa OB sono kasi 12 wks 4 days palang po ako pero pinelvic nya ako. Talaga po bang may pwersa yung pag pelvic? :( as in diin po kasi ginawa nya. To the point na napatanong na ako if normal bang dinidiinan talaga yung puson. :( nag woworry po ako e. Baka makasama ke baby..

Yes, madiin po pag pelvic at 12weeks kasi si baby nakasiksik pa yan at maliit. :) di po yun makakasama sa baby since si baby nakabalot ng amniotic sac with amniotic fluid. (cushion yun ni baby parang airbag). pag di kasi diniinan di mahahanap yung totoong heart beat ni baby. normally ang makukuha lang is yung heart beat ng mother. Pag malaki na tyan mo yun di naman na ganyan, kasi malaki na rin si baby. Ginanyan din ako kahapon ng OB ko kasi chineck heart beat nya, 13weeks ako.. di makita, yung heart beat ko ang nakukuha nya.. ayun nung diniinan nahanap din, nakasiksik kasi at yun nga size pa lang kasi ng rambutan si baby so maliit liit pa. tapos kung may laman pa yu g pantog mo, mas nakakasagabal sya sa paghahanap.. relax ka lang mi.
Magbasa pa
