4 Replies

Yes, madiin po pag pelvic at 12weeks kasi si baby nakasiksik pa yan at maliit. :) di po yun makakasama sa baby since si baby nakabalot ng amniotic sac with amniotic fluid. (cushion yun ni baby parang airbag). pag di kasi diniinan di mahahanap yung totoong heart beat ni baby. normally ang makukuha lang is yung heart beat ng mother. Pag malaki na tyan mo yun di naman na ganyan, kasi malaki na rin si baby. Ginanyan din ako kahapon ng OB ko kasi chineck heart beat nya, 13weeks ako.. di makita, yung heart beat ko ang nakukuha nya.. ayun nung diniinan nahanap din, nakasiksik kasi at yun nga size pa lang kasi ng rambutan si baby so maliit liit pa. tapos kung may laman pa yu g pantog mo, mas nakakasagabal sya sa paghahanap.. relax ka lang mi.

thank you poooo. ❤️❤️❤️ huhu kasi binabasa ko dto sabi nila di masakit pelvic. kaya kanina, grabe takot ko po. salamat po sa sagot nyo.. nakaka panatag po hehe

in my experience mejo madiin talaga sya dpende rin kung saan nakapwesto si baby.. yung unang pelvic ko na mas maaga, di masyado madiin, keri ko lang. madiin pero di masakit. tas after 2 weeks nun, nagpelvic uli ako, mas masakit ang diin nya, ang paliwanag ni doc e nakapwesto kasi sya dun banda sa tahi ko.. i had ectopic pregnancy kasi nung 2020 kaya may tahi ako. ayun sabi nya nakakasagabal daw yung scar kaya daw mas malabo rin yung scan that time and mas madiin. masakit sya even hours after the scan pero nawala rin nman later. hehe

baka po kasi maliit pa si baby natin hehe pag mas malaki na sya di na need idiin sabi ni doc.

TapFluencer

hello mii, mas alam po yan ng ating OB o yung mga nag Utz kasi license naman po sila bago makapag ganyan. Minsan po kasi need diinan para po malinaw ang kuha ng UTZ at maaninag pong mabuti si baby, you don't have yo worry naman din po pero if uncomfortable po kayo pwede nyo po banggitin sa OB para humanap sya ibang pwesto pero if dun po talaga ang pwesto near sa tahi nyo wala po iba magagawa. masakit po kasi talaga if may scar tas medyo fresh pa sya sa loob pag nadiinan.

Ganyan yung sa first OB ko. Ang sakit buti okay lang si baby baka di madetect heartbeat ni baby or something 😅

nuchal translucency po kasi ginagawa. kaya lang shookt po ako. sobrang bigat ng kamay nya. huhuhu nag palit po kayo OB? katakot tuloy pa pelvic. hehehe kung ganun ka sakit, mag trans V nalang ako buong pregnancy. hahaha

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles