Vaccine/Bakuna sa sangol

Good day mga momsh. Nagpavaccine si lo ko today sa health center, Pentavalant (5in1) at PCV Vaccine ang itinurok sakanya then oral for pollo. Nung nalaman ni MIL at SIL ko pinagalitan kmi. Bakit daw kami pumayag na isabay yung PCV sa 5in1 vaccine, delikado daw yun. We check yung schedule ng vaccine sa DOH website and same nmn po nung nasa pic meaning approved nmn ng DOH yun. Pero sabi ng MIL ko sa next vaccination daw ni lo (2 1/2 and 3 1/2 months) sabihin ko daw na wag isabay yung PCV sa 5in1 vaccine. Naiintindihan ko nmn po na nagaalala lang sila pero Possible po ba yun sa mga center? Okay lang po ba yun kung hindi susundin yung schedule na naka declare sa DOH? #firstbaby #1stimemom #advicepls

Vaccine/Bakuna sa sangol
34 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang yan pagsabayin, sa pedia nagpavaccine si baby ko, sabay din naman. Tell them na mas alam ng center/pedia yon.

Super Mum

Ganun talaga yung schedule mommy.. Magkakasabay po kahit sa private clinic... May rota virus pa nga po😁

Gnon po tlga yon. Alm nmn ng center un sila pa magllgay sa baby book mo kailan ang balik ni baby

VIP Member

yun po tlaga ang sked, kpag hnd mo po sinabay, mas mhirap ksi mdedelay isang vaccine ni baby..

sabay po talaga sa baby ko sabay din eh kahit nakakaawa go pa din...sa center din kame eh..

It's safe. Kahit itanong pa sa pedia. Nacomplete na yan ng baby ko and okay naman sya 😊

ganyan din mamsh ung sa baby ko..tapos sa pang 3rd vaccine nya sa center,3x ang vaccine😔

4y ago

sa 3rd vaccine or visit po momsh tlaga pong 3 ibibigay kasi by that time graduate na anak mo sa pentavalent, sa oral polio na may sabay ng IPV injection and PCV po. lahat yan 3doses each po.

Mas alam ng nagtuturok ang sched pati kung ano ituturok sa baby mo sa center kasi nurse yan.

ganyan din ginawa kay baby ko ok naman sya. alam naman ng nagtuturok ginagawa nila, ma.

Meron po palang pcv13 sa center? Ang mahal kasi nyan sa pedia 🥺

4y ago

booster sa pneumonia vaccine momsh 5k nga sa private pedia lng......