Birthday celebration

Good day mga ka-TAP ❤️ Gaano ba talaga ka-importante na mag handa sa Birthday ng bata? super big deal ba talaga pag walang handaang magaganap? To be honest every birthday ng mga anak ko naiinis ako sa MIL ko, kasi gusto nya na may handa lagi e napag usapan na namin mag asawa na kakain lang kaming family sa labas dahil napakamahal na ng bilihin para mag handa pa. Kung baga Wise thinking instead mag paka bongga sa handa is i save nalang ang pera para sa mas mahalagang dapat pag ka gastusan lalo na at may nag da-diaper at nag gagatas pa ang bunso namin plus nag schooling na din si Eldest. Ang daming dapat mas pag kagastusan na mas mahalaga kesa mag handa. Naiinis lang ako kasi yung binibigay ng mga tito nila na pera is si MIL na ang mismong kumukuha na noon naman sa asawa ko binibigay, at tsaka sya mag aaya kasama yung 4 nya na pamangkin at nanay noon tapos yung bunso kong bayaw so yung pera na instead mapunta sa anak ko ay sila na ang kumukunsumo abunado pa ko 😑 Ang hirap kasi medyo Showy na wala sa lugar si MIL to the point na even wala ng pera gastos parin para mag handa, in short "handa now, nganga later" pasensya na mga ka TAP at gusto ko lang talaga ilabas yung inis ko 😅

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

If I were you Mommy, I'll stand my ground. Kung gusto niyong ilabas at itreat nalang si junakis na may birthday, go ahead. Hindi niyo naman kailangan ng approval ng ibang tao, kahit na kamaganak niyo pa, kung paano niyo i cecelebrate ang birthday ng anak niyo. Unless, sila ang gagastos at mag aasikaso, then why not? Kasi bukod sa malaking gastos, pagod ka pa sa pag lilinis, luto, at asikaso sa mga bisita. Mas praktikal talaga na lumabas nalang, di ka ganun kapagod, pag uwi ng bahay magpapahinga ka nalang. Di ba? Pag dating naman sa pera na ibinibigay sa mga anak mo, kung sa MIL mo idinadaan, wag mo ng asahan. Ipaubaya mo nalang sakanila yon para sa peace of mind mo.

Magbasa pa

bkt nyo naman susundin ang gusto ng MIL mo? mamas boy pdin ba asawa mo? Dalawa lang naman yan eh either mamas boy asawa mo or pareho kayong manindigan mag asawa para sa own family nyo. yung sa pera na binibigay para sa anak mo, bkt daw ba hnd nalang sainyo mag asawa ibigay diretsyo? kung ako sayo wag nyo na asahan. saka bkt ka mag aabuno? Mahirap tlaga makisama sa in laws. Kung ako sayo kausapin mo hubby mo bkt ganun, sya kumausap sa MIL mo na wag mangielam sa pagdeddisyon sa oamilya nyo.

Magbasa pa
VIP Member

Sundin mo yung sayo mi kasi tama namn yun, explain ky mil na okay lng na simple celebration lng at mas importante yung mka save at less expenses may mga time pa namn na ang hirap mag ka pera kng di siya agree hayaan mo nalng mi at sundin mo yung gusto mo kasi ayo ko rin nang handa now, nganga later.

TapFluencer

Try to explain na lang po sa MIL nyo Mommy. Madalas talaga hindi pareho ng decision. Yung iba kasi ganyan po nakasanayan. Na kapag may Birthday, dapat may handa. Kami kasi hubby, even mga kids namin, ineexplain talaga namin hanggang saan lang kaya ng budget namin

may sarili na Po kaung pamilya. kau Pong mag asawa Ang dpt masunod Jan no matter what. ganyan2 din ung mama ko, but Im very firm, kaming mag asawa Po Ang nasusunod. Tama Po un better to save than nganga later. mas mainam pong mag save for baby's future.