Caesarian Delivery

Good day everyone ! Kaninang umaga po September 3,2019 nalaman ko result ng pelvemetric ko and dun na po sinabe ng OB ko na hindi ko kayang magnormal dahil sa size ng sipit sipitan. Sobrang naiyak po ako sa takot mag undergo ng caesarean delivery . The size is only 8cm and the normal size para makapag normal delivery is 10cm plus my baby's head size is 10.2cm . Isa pa pong reason ay nakacephalic ang baby ko pero nakatihaya raw po siya . I was so stressed about it and very disappointed because every night I was praying to have a normal delivery . Para maalagaan ko ng maayos ang baby ko at makapag bond kami ng maayos. Nag diet and exercise rin po ako all throughout my pregnancy . Sobrang nanghihina po talaga ako physically,emotionally and mentally . Eto po ang pinafirst time kong maadmit never in my whole life pa po akong nahohospital at nacoconfine kaya sobrang takot na takot po ako sa mga mangyayare . Btw nakaschedule na po ako next week Monday September 9 for caesarian delivery . Gusto ko po humingi ng payo sa mga mommies na nag undergo ng c-section lalo na namatay po last christmas mama ko kaya wala na po ako mapaghugutan ng lakas at kaalaman . Gusto ko rin po humingi ng pagkakataon na iinclude niyo kami ng baby ko sa mga prayers niyo . Thankyou in advance and Godbless ?!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy ftm here. Like you po nung nalaman ko na I was about to undergo CS umiiyak din ako kasi ayoko. Iniisip ko ayoko magkatahi sa tiyan, mahirap at matagal ang recovery at di ko nga agad mababantayan ng ayos si baby ko. Iniisip ko na ginawa ko na exercises and mga ways para umikot si baby pero bakit di umikot. My baby was frank breech and nag 2cm na kasi ako nun but when my OB had the ultrasound nakita nga na breech siya kaya kinabukasan I had to go to the hospital for admission na. First time in my life ko din yun na naturukan ng dextrose or na hospitalize. Pero my partner and family just lift me up and isipin ko na lang daw ang anak ko. Ganun ka na lang din sis, isipin mo lang yung safety niyo ni baby. God is always in control. Yes may kahirapan ang recovery process pero pag tinititigan ko anak ko everything is worth it ❤️ 5 mos CS na po ako. Kaya mo yan sis, pray and pray lang kay God palagi😊

Magbasa pa
6y ago

Thankyou so much sis ganyan talaga pag mommy na wala ng choice kundi maging matatag .