Caesarian Delivery

Good day everyone ! Kaninang umaga po September 3,2019 nalaman ko result ng pelvemetric ko and dun na po sinabe ng OB ko na hindi ko kayang magnormal dahil sa size ng sipit sipitan. Sobrang naiyak po ako sa takot mag undergo ng caesarean delivery . The size is only 8cm and the normal size para makapag normal delivery is 10cm plus my baby's head size is 10.2cm . Isa pa pong reason ay nakacephalic ang baby ko pero nakatihaya raw po siya . I was so stressed about it and very disappointed because every night I was praying to have a normal delivery . Para maalagaan ko ng maayos ang baby ko at makapag bond kami ng maayos. Nag diet and exercise rin po ako all throughout my pregnancy . Sobrang nanghihina po talaga ako physically,emotionally and mentally . Eto po ang pinafirst time kong maadmit never in my whole life pa po akong nahohospital at nacoconfine kaya sobrang takot na takot po ako sa mga mangyayare . Btw nakaschedule na po ako next week Monday September 9 for caesarian delivery . Gusto ko po humingi ng payo sa mga mommies na nag undergo ng c-section lalo na namatay po last christmas mama ko kaya wala na po ako mapaghugutan ng lakas at kaalaman . Gusto ko rin po humingi ng pagkakataon na iinclude niyo kami ng baby ko sa mga prayers niyo . Thankyou in advance and Godbless ?!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

I'll include you and baby in my prayers momsh. Kaya mo yan. Dati takot dn ako ma CS. June 4, 2019 4:00 PM, nagsimula na ako mag labor. Sobrang sakit tapos nung in'IE ako, hindi tumataas ng 1CM yung lalabasan ni baby kaya nagdecide si OB n i'CS nalang ako. Tinurukan ako ngpampamanhid sa likod, okay lang naman kasi di gaano masakit pagkatapos nun manhid na yung babang part ko. Nakatulog ako at nagising nalang ako sa iyak ni baby. During CS, wala ka talaga mararamdaman. Saka mo mararamdaman sobrang sakit pag nawala na yung pampamanhid. Ang hirap tumayo or magchange position as in. Pero 3 days lang naman pagtapos nun nakakaligo na ako. Basta wag mo lang kalimutan inumin mga gamot na irereseta sayo and linisin yung tahi everyday. Pagkalabas namin ng hospital, naaalagaan ko naman na si baby at nakakapagpabf ako n prang normal na pero may kirot pa din. Approx 2 weeks, recovered na. Naka byahe na nga ako nun papuntang province. Kaya mo yan momsh :)

Magbasa pa
6y ago

Sis sobrang thankyou sa pagshare mo ng experience mo . Lumakas ang loob ko salamat din sa prayers . 😊