Caesarian Delivery

Good day everyone ! Kaninang umaga po September 3,2019 nalaman ko result ng pelvemetric ko and dun na po sinabe ng OB ko na hindi ko kayang magnormal dahil sa size ng sipit sipitan. Sobrang naiyak po ako sa takot mag undergo ng caesarean delivery . The size is only 8cm and the normal size para makapag normal delivery is 10cm plus my baby's head size is 10.2cm . Isa pa pong reason ay nakacephalic ang baby ko pero nakatihaya raw po siya . I was so stressed about it and very disappointed because every night I was praying to have a normal delivery . Para maalagaan ko ng maayos ang baby ko at makapag bond kami ng maayos. Nag diet and exercise rin po ako all throughout my pregnancy . Sobrang nanghihina po talaga ako physically,emotionally and mentally . Eto po ang pinafirst time kong maadmit never in my whole life pa po akong nahohospital at nacoconfine kaya sobrang takot na takot po ako sa mga mangyayare . Btw nakaschedule na po ako next week Monday September 9 for caesarian delivery . Gusto ko po humingi ng payo sa mga mommies na nag undergo ng c-section lalo na namatay po last christmas mama ko kaya wala na po ako mapaghugutan ng lakas at kaalaman . Gusto ko rin po humingi ng pagkakataon na iinclude niyo kami ng baby ko sa mga prayers niyo . Thankyou in advance and Godbless ?!

50 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Momshie. Lakasan mo loob mo. 3 times na akong na CS. Every after kong manganak ako lang talaga magisa. Mr. ko working sya. Pag CS ka dapat nakamind set ka na kailangan ikaw ung maging pinakamatapang sa panganganak mo. At tama ka prayers pinaka importanti jan. Kasi si God lang talaga makakapagbigay ng sapat na lakas para sa panganganak mo. Magtiwala ka sa Kanya. Di ka nya pababayaan. Sabi nga sa Joshua 1:9  Hindi ba kita inutusan? Ikaw ay magpakalakas at magpakatapang na mabuti; huwag kang matakot, ni manglupaypay: sapagka't ang Panginoon mong Dios ay sumasa iyo saan ka man pumaroon. Huwag kang matakot isama kita sa prayers ko. Chat mo ako sa fb ko if kailangan mo ng advice.

Magbasa pa
6y ago

Thankyou so much sis sa advice . ang galing mo naman sana kayanin ko rin yan lalo na balak na bumalik ng asawa ko sa work .