BREASTFEED

GOOD DAY EVERYONE 😊 3weeks palang po si baby , since day1 po ayaw nya po magdede sakin πŸ₯Ί may nipple naman po ako.di po ako flat chested pero konti lang po yata ang lumalabas na gatas.parang napapagod po sya magdede kaya pinag formula milk na po namin. Balak po sana namin pure formula milk nalang po sya kasi nag bebreastpump po ako minsan pero 2-3oz lang po nakukuha ko sa buong araw.paano po kaya ma stop po yung pagtigas ng dede at left breast lang din po yung tumitigas na nagkakagatas yung right po wala po talagang nakukuha kahit breastpump. *ano po dapat gawin para matigil po yung pagtigas ng dede pag hindi na po magpapabreastfeed * or baka may alam po kayo paraan para po dumami po yung milk ng dede ko para po matuloy yung pag breastfeed po sa baby namin. #1stimemom #advicepls #firstbaby #pleasehelp #firstmom salamat po..sana po may makatulong πŸ₯Ί

BREASTFEEDGIF
20 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Mommy, mag powerpump ka po. Para breastmilk pa din ang naibibigay mo kay baby. Ang breastmilk kasi the more na magdedemand ka sa dede mo the more na mas dadami. Bukod sa laking tipid, nanjan lahat ng sustansya na wala sa kahit ano pang Formula milk. Sa pagtigas ng dede mo, mag warm. Compress ka then. Pag lumambot, pump. Sali ka sa group na Magic8mommies. Hakab na. Breastfriends. May friend kasi ako inverted nipple sya so never naglatch si baby sa kanya, pero breastmilk fed ang baby nya hanggang ngayon 1yr na May frienddin ako 5yrs and counting na nagpapa dede pump lang din hindi direct latch kasi ayaw ni baby mag latch. Sayang ang liquid gold mo mommy. Sana maging masagana pa ang gatas mo. 7mos preggy palang kasi ako pero nasa isip ko talaga ang breastfeeding. Mind over matter din talaga minsan. Sana matulungan ka ng mga tips na makikita mo sa breastfeeding groups :)

Magbasa pa
2y ago

salamat po..gusto ko dn po magpa breastfeed ☺️ stop na po namin formula milk nya para masanay po sya madede sakin ☺️

Related Articles