Nuchal Translucency

Good afternoon sino po dito ang kinailangan mag pa check or mag undergo ng Nuchal Trabslucency scan para daw malaman kung may abnormalities si Baby?.. I'm super worried pero ipinapasa diyos ko po ang lahat na maging healthy si Baby. baka lang meron din ako katulad dito na same ang pinagdadaanan.. Salamat.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Try mo magpaconsult sa iba, kasi ganyan din ako nung nagpatransv ako.. ang sabi ng ob nung pinabasa ko yung result, may bicornuate uterus daw ako meaning may split sa gitna ng uterus ko, nasa left part lang daw si baby at yung right empty.. high risk daw pagbubuntis ko at malaki tendency na magbleeding ako habang lumalaki si baby sa loob ng tummy and worst ay makunan ako.. super worried ako nun.. then next month lumipat ako sa lying-in clinic during check-up wala naman clang binanggit about sa result ng transv ko.. maayos din pagbubuntis ko.. hindi nga ako nagselan.. smooth lang. 2 or 3 weeks from now manganganak na ako

Magbasa pa
6y ago

actually po hnd nasukat kasi si baby humarap. pinababalik ako ng 20-22 weeks ko daw. pinagprapray ko nalang po na maging normal si baby.

nagpa transv po kasi ako kanina at need ko daw mag Nuchal Translucency scan kasi malaki any ang nakitang pagitan sa likod ni baby na pwede daw nag indicate na may abnormalities like down syndrome, trisomy 18, trisomy 31. Nakakalungkot pag nagsearch kaya need ko po talaga ng prayers niyo sana maging okay lang si baby.

Magbasa pa
4y ago

Hello po mommy, kumusta ang baby nyo? Same case po and im on my 11weeks. Super worried l din po ako para sa baby ko. But still praying na normal sya. 🙏🏻

naka undergo po ako ng test na yan pero di naman po compulsory kung gusto ko lang po daw. test yan kung may abnormalities si baby like down syndrome. dalawang test yan sa blood kukunin at thru ultrasound hahagilapin nila sa may neck ni baby

6y ago

sakin po kasi may nakita liquid or space sa likod ng leeg ni baby which is nuchal translucency. na podible daw na may abnormalities si baby.

c.a.s congenital anomally scan to determine kung ok lang ba si baby kung wala siyang abnormalities but never heard the trabslucency scan?im not familiar of that ultrsound

3y ago

Nuschal Transkuency is a test po, via ultrasound ginagawa - hindi po siya mismo abnormality. this is to test or para makita if meron abnormalities ang baby like down syndrome. Usually done sa late first trimester natin. Pray lang momsh 🙏🏻😘

hello po. kumusta na po baby nyo? same case po kase sakin pero di ako nag undergo ng nuchal translucency scan. 0.2cm po ung sukat ng akin, sa inyo po ba nun?

3y ago

.2cm or 2mm seems to be on normal range po naman. samin po 3mm, wala naman po issues. baby is very healthy and well now 3 months old na.

yes ako po, ang Thanks God, my twins are normal and in good condition. dont stress yourself, pray lang momsh 😘🙏🏻

VIP Member

High risk na po ba kayo mommy? Pinagawa sa akin yan kc Age ko po ang high risk. Sinunod ko lng sabi ng doctor para safe

bakit mommy mag aundergo si baby sa ganon?

6y ago

sa tvs po kasi nakita na malaki ang sukat ng nuchal translucency.

ilang months n po kayong preggy?

6y ago

11 weeks ako nung nakita yung nuchal translucency na medyo malaki daw kaya pinag nuchal translucency na dapat sukatin kaso si baby humarap kaya hnd masukat. pinababalik ako pag 20-22 weeks daw.