CHIKA MINUTE, lol

This is gonna be a long chika, I'm sorry if you'll get bored. Let me start by saying na hindi kami good terms ng family ng husband ko cus of a lot of reasons, as in a lot. We started as live in partner, tumira kami sa house nila. At first, okay naman. Actually, tahimik mga buhay namin kasi hindi kami masyado nag uusap usap. Nung nag stay na ko sakanila, kaka resign ko lang sa work so waiting pa ko don sa start date ng new company ko. For 1-3 mos, I was jobless but my LIP supported me naman. Everything was good. Smooth sailing. Until, mag start na ko sa work and syempre nagbibigay na ko sa bahay. Doon ko sa Lola nya inaabot since yun yung head sa bahay nila hindi yung Mom nya. Nag gogrocery din ako every month. Basic needs. Ganon. Dito na din nagsimula na utang na sila ng utang sakin. Both Mom and Lola nya. Ako naman nakikisama syempre, labas lang ng labas. Hanggang sa narealized ko, sobra na and hindi na nila ko binabayadan. Ultimo pamasahe sa check up ng Lola nya, pamasahe ng Mom nya going to work. Inuutang sakin. Wala kong nagawa, pinalampas ko nalang. Sabi ko nalang, tulong ko na Lang. Lumalabas na din yung attitude ng Lola nya and that's fine, lahat tayo may bad side. March 2019 We found out that I was 2 months pregnant. All good naman. Sa mangga ako naglihi. Yung hinog. I was surprised, kasi kinakain nila yung mga mangga ko sa ref na binibili ni hubby. Anyway, 2 Lola nya, Mom, Dad, 2 cousins (5 and 9 yrs old) yung nasa bahay nila. Isang umaga pa nga, pag gising ko excited ako kainin yung mangga, iisa nalang yun pagbukas ko ng ref wala na. :( Tapos never nila ko binilhan ng fruits. Haha. Meron pa, nagpapa Labtest ako, wala ko kasama nasa work hubby ko. Nahilo ako, hindi makatayo sa clinic, pinapawisan ng malamig. Tinext ko Mom nya sabi ko, "Pwede po pakisundo ako dito sa clinic sa bayan hindi ko na po kasi kaya". She replied, "Hala magtricycle ka na, nagluluto pa ko". Really? hahahaha. Thank you sa mga staff ng clinic, they helped me. Sinabihan pa ko ng Lola nya na madamot daw ako. Fuck, naglilihi ako. What do you expect? Hahaha. Meron pa, umuwi hubby ko dala nya 1kl ng mangga. Nilagay nya agad sa ref. After eating lunch, nakita ko hinihiwa na ng Mom nya lahat ng mangga at kinain na namin lahat. (Isa Lang sakin hahaha) Nagulat ako non. Alam nilang akin yun, di ko alam kung nang gagago ba. After non, pinagsabihan na sila ng hubby ko. Hanggang sa after check up namin, nag post ako na kumakain kami sa ganitong kainan and nag comment Lola nya. "Hindi tayo magkakanegosyo, hindi kayo makakaipon kung ganyan kayo". Sakin naman, kumakain lang kami ng ganon, like heavy at sa magandang place pag may sahod na or occasionally. Saka hindi naman kami nanghihingi sakanila, as in never. Saka, anong negosyo? I can't remember that we talked about fuckin business 'together'. Di ko nalang pinansin yung comment na yun. Punung puno na ko non, kaya nag post ako sa FB "Looking for apartment, blah blah". Nag comment na naman Lola nya. "Eh di umalis kayo, kaya nyo na pala eh". Tapos tinawagan nya agad hubby ko. Sabi nya. "May pera pala kayo pang lipat pero di nyo ako mapautang". Leche naman, utang na naman samin? Hahahaha. Anyways, nasa Mindoro Lola nya ng araw na yan, wala sa house. Kaya FB to FB ang lavan. Hahaha. Ang haba ng sagutan namin sa Messenger. At dito na ko nagsabi sa Mom and Lola ko. G na G sila kaso sabi ko, chill muna. Ako na muna bahala. So I decided na umuwi na sa Lola ko sa Laguna, nag resigned na din ako sa work. Maselan kasi pagbubuntis ko non. Threatened miscarriage ako nung mga panahon na yan, pero nagawa pa nila sakin yan. Kinabukasan after that argument, uuwi na ko ng Laguna. Ihahatid na ko ng hubby ko. Bago pa ko umalis, nagso-sorry Mom and Lola nya. Umiyak pa. Wag na daw ako umalis. Para daw sa hubby ko. Nginitian ko nalang and sabi ko "Alis na po ako, salamat sa pagtanggap". My hubby promised me, after 2 months makakalipat na kami. Magiipon lang sya ng pang rent. Finally, June 2019. Nakalipat na kami. We're so happy. As in. July 2019 nagpunta yung family nya sa house namin, nakipag ayos. Um-oo lang ako. Pero deep inside, hindi ganon kadali tanggapin lahat. August 2019, kinasal kami. Nakakatawa pa yung back story. Hindi kami dapat matutuloy. Why? Cus of his family again. Gusto nila lahat sila kasama sa reception. Ilan sila? 7 pax? 8 pax? Eh Civil Wedding lang naman yun. Saka low budget lang since mas pinag hahandaan namin yung panganganak. Plan namin is Ninang Ninong, Mom and Dad nya, then Lola ko and Mom ko. So sabi ko, ayoko na wag na natin ituloy. Wala kaming budget na ganyan. Eh nahiya yata yung family nya kasi madami na nakaka-alam na ikakasal kami, ayun naghanda at nagluto sakanila. Masama din loob ng family ko sakanila, from LIP kasi hanggang sa nabuntis na ko. Never nila kinausap, pinuntahan or kahit add sa FB family ko. Paulit ulit na din sinasabi sakanila ng asawa ko, wala sila ginagawa. Nung malapit na kami ikasal, saka lang pinuntahan family ko. Guess what, Lola ko pa nag message sa FB baka naman daw gusto sila kausapin. Hahahaha. Nagpunta sila, wala man lang kadala dala kahit 1 candy. Tigas ng mukha no? Hahahahahahahahaha! Kinasal kami na alam kong may halong tension at plastikan. That's fine, kami naman mag asawa ang importante. Okay naman lahat. Kaso lagi ko padin nababasa sa messenger ng asawa ko. Utang padin sila ng utang, hingi ng hingi. Di ko pinansin nung una. Pero syempre, napikon na naman ako. Pinag chachachat ko sila ng kung anu ano. Sabi ko sa sarili ko, hinding hindi na nila magagawa sakin yung mga ginawa nila noon. Ngayon, halos parang may takot na sila sakin. Hahahahahahahahaha. Binlock ko na ulit sila lahat, kasi mas tahimik buhay namin eh. October, manganganak na ko. I asked my husband a favor na sila lang ng Lola ko sa hospital when the 'Big Day' comes. He agreed. Sa ngayon, maldita na kung maldita. But hindi ko kayang makipag close sakanila ulit. Alam kong maglalalapit na naman sila when baby is here na. But, sorry. U guys created a monster. ?

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hahaha.. Good job momsh! Better talaga if hiwalay ng tirahan..Very supportive husband as well..

5y ago

Yes that's true mumsh, :) kaya welcome pagpupuyat at being a mother tlga.. Rewarding feeling 😊