Inggiterang kamag-anak

May ganyan din ba kayong kilala? Pakiramdam ko kasi talaga sadyang may pagka-inggit yung isang kamag-anak ng mister ko sa amin. Ginagaya lahat ng kung ano meron at ginagawa namen. Ok lang sana pero yung kanya e may halong pang iinsulto samen. Sa food, places or work, ayaw patalo at may side comment sya lage. Kunware nung nagpagawa kami ng bahay, sila din nagpagawa pero may side comment pa syang... mas ok yung contractor nila at maganda ang ginamit na bato or something. Halos lage ganon, hindi lang isang instance. Sa FB niya yan nilalagay. Everytime may post ako or husband ko, after a day or two meron din yan sya plus with payabang pa. That’s the reason why I stopped posting on FB. Meron pa one time nagpunta kami sa isang hotel. Kanya kanyang room. Snwerte kami that time kasi na-upgrade kami sa mas magamdang room. Nalaman nya nung gabi... tapos tumawag yung husband niya sa room namen ng 10PM. Kung pwede daw ba makipagpalit samen ng room kasi naiiyak daw yung wife niya dahil mas maganda yung view nung room namen. Huh?! Kami naman nagbayad nito baket makkipagpalit at this hour talaga? Nakakairita sya pag nakikita ko. Nalaman ko pang sinisiraan niya ko sa in-laws ko.

18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

CONTINUATION: At first wala ako idea na ganon ginagawa nakikigaya at kumpetensya sya sa socmed. Kasi I unfollowed her sa FB (but still friends) waaay before because too much nega ang posts at puro mukha nya at katawan pinoposts. Umay ba. 😆 Then recently one time nagtanong saken si husband kung san ko daw nabibili yung ganito ganyan na mga gamit ko at ng anak namen. Usually wala naman paki yung husband ko sa mga ganong bagay at never naman sya bumili so nagtaka ko. Una akala ko mom nya or may pagbibigyan sya, so sabi ko online yun ako na oorder kung gusto niya. Then sabi niya ay hindi tinatanong ni ____ (husband ni inggitera). Gusto din daw ng wife nia (the inggitera). Tas sabi ni husband lage nga nagtatanong daw yun walan naman sya alam ako nalang daw kumontak don sa wife. I got curious mula non. So nung naiwan ni husband ko yung ipad niya one time, I read his messenger. I know mali makielam sa msgs but may iba ko gusto tignan that time. Hehe. Anyway, so yun tinignan ko yung conversation ng husband nia at husband ko... and lo and behold!!! They’re asking almost everything pala! From where my husband bought the engagement ring, where we’ll go sa honeymoon and upto kung saan magcecelebrateng birthday yung anak namen. Sabi ko lang WOW! So chineck ko FB ni girl (kasi nakaunfollow na ko di ko nakikita) at oh my! every post nen ng husband ko meron din syang katapat na post. As in kahit maliit na bagay... example may post noon ng roasted chicken husband ko kasi first time niya kami pinagluto non (so naalala ko tlaga, la naman kasi gano post yun si husband), tapos meron din sya with a tag na “perfect yung saken kasi walang sunog”. Yung alam mong may something! Nakakatawa at first but when I started scrolling further grabe nakita ko na may pareho talaga!!! Item, brand, color, places etc. Nairita na ko. I talked to my husband about my feelings towards the girl and don nya lang narealize yung gnagawa ni inggitera girl. He stopped posting in FB totally. Baka kaya daw lage nagtatanong sakanya ng kung ano ano. Upto now ganon pa din si girl. I’m not posting in FB anymore but sa IG stories nalang and puro abt my child nalang and so I can see her whenever she views my story. Lol. And ngayon, she’s trying to compare/compete our children naman. Magkasunod yung age nila, 1yr older saken. Dito talaga nkakainis na kasi involved na yung anak ko. I just feel awkward whenever may reunion or gathering sila kasi gusto ko iwasan si girl pero onti lang naman sila so impossible. Ayoko din kasi sumama pero nahihiya naman ako sa immediate family ng husband ko. I want to cut ties totally but not sure how sinasama padn nla kami sa mga lakad/video call etc. Baka malungkot si husband pag ginawa ko yun.

Magbasa pa
5y ago

Diba momsh! Nakakagalit talaga minsan. Hindi ko alam bat ganon sya.

Same. Nagpakasal kami ni hubby akala niya parents ni hubby gumastos but big no! Kami gumastos ni singko walang ginastos side ni hubby at side ko ipon namin yun nung nag live in kami kasi usapan namin bago ako magbuntis dapat kasal kami. Kaya ayun g na g sakin gusto nya daw maikasal sila pero ayaw gastusan ng family ni hubby. Kapag lumalabas kami family bonding dami hanash hahhahaa. Kinaibigan ang ex ni hubby panay post sa fb pic nila happy happy daw. Hhahahahha Minsan nabasa ko pa may caption! Kaya lang naman sila nag break dahil may desperadang umeksena😏 Hahah halatang para sakin yun hahah. G na g pa sya kasi palagi ako sinasamahan ni hubby kung san man kami pupunta ni lo gagawa talaga sya ng paraan wala kaming lakad na hindi kasama si hubby pero kung emergency at nasa work si hubby kami lang ni lo.

Magbasa pa
VIP Member

Nako sis minsan kamag anak mupa magpapabagsak sayo, totoo yan minsan hindi mo alam kung concern sayo or gusto lang machismis kung umaangat ka buhay or ok ang buhay mo, dahil deep inside nila ayaw nila na maangatan sila. Ganyan mga kamag anak ko, kunwari concern pero ni isang tulong wala, at minsan parang masaya pa sila if malaman na naghihikahos ka magaling lang sila mag criticize kaya tama ginagawa mo na wag ma mag post sa sa fb ng buhay mo.

Magbasa pa
5y ago

yung mga di masaya pag nakitang ummaaangat ka! Tsk. Silently, naiinggit. May ganyan nga ako kilala. Yung sa tulong nako isa pa yan. Totoo yan mamsh. Nung nawalan ng trabaho H ko at nagfreelance... may kamaganak kaming nangako na sige kunin daw service ni H after 3 mos tawagan daw sila. Nagprepare na si H para sa job na yun kahit months before pa. Tapos nung binalikan na ng H ung relative nia after 3 mos.. ang sabi ay sa iba na kami kumuha at nakabook na kami. 😣

Nagkaroon din ako ng ganito hahah sa sobrang inget ewan ku g inget or ano ba. Kasi akala nya parents ni hubby ang may ayaw bakit hindi sila makasal kasal ng asawa nya pero the truth is asawa nya ayaw magpakasal ewan yan sabi sakin ng inlaws ko ako kasi kasal simple lang pero nilaban ng asawa ko. Kaya ako palagi inaaway tapos sinabihan pa ko malande daw ako excuse me parehas lang tayo nabuntis ng hindi kasal pero ako nilaban ng asawa ko ikaw?

Magbasa pa

Trueeee... May ganyang klaseng kamag anak talaga. Hindi ata mawawala sa pamilya na may ganyan. Kala mo concern pero nag hahanap lang ng may icchismis sau. Kala mo nakikipag compete lagi. Kung ano meron sau gusto meron din sila. Tska gusto ng mga ganyang klaseng tao mas nakakaangat sila. Pag ganyan dapat iwasan muna. Hahaha. Wag mag popost masyado sa social media. Hahah. Baka mamatay na sila sa inggit 😅

Magbasa pa
5y ago

Yes! That’s the word nakikipag compete! Titignan o inoobserve pala yung buhay niyo tapos gusto e mas mahigitan ka. Kunyare close kayo pero in real chncheck ka lang. Plastic ba!

Mommy ask ko lang po kung pumayag po kayong makipagpalit ng room? Grabe din naman si mister nya itolerate yung ganyang behaviour ng asawa nya.Iiyakan pa talaga?haist...Kung ako yan kinompronta ko na...Hehe...O baka makarinig sya ng salita mula sa asawa ko.Hindi na po kasi tama behaviour niya mukha na syang may tama! Hehe...Joke lang mamsh!

Magbasa pa
5y ago

Haha ang galing sis. Yun din gusto kong malaman nabitin ako dun kung nakipagpalit ba sila. But anyway ang kapal lang niya e no? Hayaan mo sis inggit lang yan. Hayaan ming maglaway🤤

Hahaha relate. Pero nangyari naman yan sa dlawang tyahin ko. Pataasan ba. Kung magdedress si madam 1 ganun din dapat si madam 2 . Magpaayos ng buhok yung isa magpapaayos din yung isa . 😂😂Kapag may hindi nagustuhan si madam 2 kay madam 1 tsismiss. Tapos kapag magkaharap ang dalawang madam, nagpaplastikan. Walang nagpapalamang .

Magbasa pa
5y ago

hahaha! May ganito din ako kilala. tita ko. 😆😂 minsan same dress pa halos jusko. Pati bag. 😂 para tuloy kambal.

May kilala kong ganyan. Kapag may bago akong gamit sya dapat meron din kapag may post ako "family bonding" The next day meron din sya. Kapag uuwe kami sa province magugulat nalang ako sasabihin ng mother in law ko umuwe daw din ng probinsya. Kapag nagpadeliver kami ay syaa nagpadeliver din hahaha.

Magbasa pa

Nagkaron ako ng ganito but hindi pa ako preggy non. Friend sya ng then boyfriend ko. Pati username ko sa ig and twitter, ginaya nya. Yung fashion statement ko, yung the way I post on social media, lahat. What I did was hide my posts from her, ayon. Nanahimik. Haha

5y ago

Yes do that para sa ikakapanatag ng loob mo, mommy hehe

hahaha minsan talaga di mo din alam kung lumalapit lang talaga sayo kasi gustong maging close ka . or sadyang gusto lang maantabayanan lahat ng kilos mo ..

5y ago

yes, lumalapit sayo para obserbahan ka lang pala tapos ipagcchismis ka pa sa iba.