"I'm a new Mommy"
Ganun ba talaga yung pakiramdam kapag bagong ina ka? Nagoover think ako lagi, paano kung magkalagnat si baby sa unang bakuna nya? Anong gagawin ko? Every time na naiyak siya natatakot ako, baka may masakit sa kanya, lalo na kapag nagigising siya bigla then iiyak tapos hindi ko siya kayang patahanin. Tapos wala pang 1 week nagkarashes na agad siya na every time na nagagalaw umiiyak siya, yung tipong hindi siya nagpapatulog sa sakit. Im always praying for my baby na maging okay at normal siya, na walang maging problema. Ganito ba talaga maging mommy? Lagi kang takot na baka may mangyari sa baby mo. Dumating sa point na umiiyak ako kasi hindi ko alam kung paano gawin yung isang bagay, naiiyak ako na baka sa mga galaw ko nasasaktan ko si baby. Hindi ko na alintana yung walang tulog, basta maging safe si baby. Its hard to be a mom pero need kayanin, hindi para sa sarili ko kung hindi para sa baby ko. Tama po ba?