words of encouragememt pls

Ganto po ba tlga kahirap mg alaga newborn wooh! di nmin to napaghandaan... hirap po pla magpatahan ng baby .. any tips nman po jan...huhu 1. formula po kc ako.. kung after 1 hr gumgcing po baby at parang gutom okay lng po i feed ulit?? 2. tinutulugan nyo din po b si baby if tulog sya? wala pa po 2 weeks... 3. paano po maovercome ung anxiety na may big responsibility na.. dami worries at takot.. like pag nagkalagnat etc.. #postpartumblues #Postpartumdepressionisreal

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

hi sis. FTM din ako at enduced labor pero ang ending eCS ko din ipinanganak si LO. Low Birth Weight baby sya, 2.13kls lang ng ilabas dahil may Myoma Uteri ako. Ang hirap ng pinagdaanan ko while nagbubuntis, tapos nung nanganak na ako, naiwan pa sa NICU yung baby namin kasi halos matuyuan sya ng water kasi 18hrs ako naglabor, may jaundice pa sya paglabas at napaka iyakin. Pag uwi namin sa bahay nagkaPostpartum chills pa ako, aside sa ang sakit pa ng tahi ko. Iyak ng iyak ang baby namin first few nights kasi nakaBF pa sya fully that time tapos pala, ang hina pala talaga ng milk supply ko di swak sa demand ni baby. Ang hirap kasi gustong-gusto ko iBF si LO exclusively pero di kaya ng body ko. So we decided na i formula sya. Dun na ako ng breakdown. Grabe na iyak ko, halos every night umiiyak ako, sinasabayan pa ng panginginig at lagnat . Grabe yung struggle ng FTM, pero thank God, nakayanan kong lampasan ang postpartum blues. 1. Syempre importante talaga yung strong na support from your partner and your family. 2. Sa baby naman, dapat maging observant ka sa cues ng baby mo. Jan ko na gets paano ang gagawin lalo nat umiiyak sya, hayaan mo magegets mo rin yan kalauhan, Mother's Instinct, magtiwala ka jan it never fails. 3. Dapat practice yourself to have strong will. Wag kang padadala sa hirap ng situation mo kasi di ka rin naman ilalagay jan ni God kung di mo kaya, always talaga look forward on better days kasi di naman forever newborn yung LO natin. Basta be in the moment at ienjoy mo lang yung experiences mo ngayon para iwas postpartum blues. Then pray lang din talaga for more strength. kaya natin to mga momsh!!!

Magbasa pa