6 Replies

hi sis. FTM din ako at enduced labor pero ang ending eCS ko din ipinanganak si LO. Low Birth Weight baby sya, 2.13kls lang ng ilabas dahil may Myoma Uteri ako. Ang hirap ng pinagdaanan ko while nagbubuntis, tapos nung nanganak na ako, naiwan pa sa NICU yung baby namin kasi halos matuyuan sya ng water kasi 18hrs ako naglabor, may jaundice pa sya paglabas at napaka iyakin. Pag uwi namin sa bahay nagkaPostpartum chills pa ako, aside sa ang sakit pa ng tahi ko. Iyak ng iyak ang baby namin first few nights kasi nakaBF pa sya fully that time tapos pala, ang hina pala talaga ng milk supply ko di swak sa demand ni baby. Ang hirap kasi gustong-gusto ko iBF si LO exclusively pero di kaya ng body ko. So we decided na i formula sya. Dun na ako ng breakdown. Grabe na iyak ko, halos every night umiiyak ako, sinasabayan pa ng panginginig at lagnat . Grabe yung struggle ng FTM, pero thank God, nakayanan kong lampasan ang postpartum blues. 1. Syempre importante talaga yung strong na support from your partner and your family. 2. Sa baby naman, dapat maging observant ka sa cues ng baby mo. Jan ko na gets paano ang gagawin lalo nat umiiyak sya, hayaan mo magegets mo rin yan kalauhan, Mother's Instinct, magtiwala ka jan it never fails. 3. Dapat practice yourself to have strong will. Wag kang padadala sa hirap ng situation mo kasi di ka rin naman ilalagay jan ni God kung di mo kaya, always talaga look forward on better days kasi di naman forever newborn yung LO natin. Basta be in the moment at ienjoy mo lang yung experiences mo ngayon para iwas postpartum blues. Then pray lang din talaga for more strength. kaya natin to mga momsh!!!

FTM din ako. 1- feed on demand si baby alam ko pag formula 2-4 hours dpat ang pagitan tapos ipaburp nyo po sya mahalagan ang pag burp ng baby lalo na kung formula feed po if nagising sya ihele nyo nlng po sya. 2. Di ko po sinasabayan ng tulog si baby kasi kaming dlwa lang sa gabi then madalas sa madaling araw pagising gising po sya. Natutulog nlng po ako pagdating ng asawa ko galing work dun ako nakakapahinga kasi sleep na rin si baby nun. Nung baliktad pa ung tulog nya. 3. Nag pe pray lang ako always iyakin baby ko minsan ayaw pa magpalapag at ako lang magisa kasi bumukod na kami ng asawa ko wala yung mama ko wala akong ka alalay yung byenan ko naman nabisita lng dto samin. So wla tlga kong kaalalay asawa ko lang cs pa ako nyan. Kinaya ko lang po dasal lng tlga ang anxiety ko lang po ngayon is yung binat po. Kaya mo yan mommy, pag nakakaisip ka po ng masama or kahit ano pray ka lang po ng pray hingi ka po ng gabay kay lord.. :)

Ang alam ko po feed on demand ang mga newborn. Pag formula po, 2-4 hours ang standard na feeding pero sa pagkakaalam ko po feed on demand pa rin po. Kasi baka po growth spurt nila. Kailangan nila dumede ng dumede. Sabayan niyo po matulog si babh niyo. Dapat pi 8-10 hrs pa rin tulog niyo kahit putol putol muna. Ganyan din po ako noon. Umiiyak po talaga ako. Feeling lonely. Hindi naman po iyakin si lo ko pero natry ko na po once yung sobrang frustrated ako kasi hindi ko mapatahan eh muntik nang kung anong magawa ko kay baby. Kausapin niyo po hubby niyo please. Kahit ilang minuto lang na buhatin din niya si baby niyo. O kaya icaress niya mga muscles niyo paminsan minsan para kumalma kayo.

first time mom here. ang alam ko if formula, every 4 hrs dapat kasi maooverfeed si baby ako yes, sinasabayan ko ng tulog ang baby ako ilang beses umiiyak kasi may times na di ko tlga mapatahan si baby, but after nun kumakalma na ako, i tried to keep on reading regarding sa mga pwdeng mangyari so i would know kung ano pwede ko gawin incase

iyak ni baby iyak ko din 😅😅😆 ngaun nakakaadjust na.po ako kinakausap ko na.si baby ko para po malibang siya.1month and 14 days na si baby ko.

Try niyo po magplay ng music. Marami po sa youtube yung pampakalma ng babies. Effective po sakin yan. Magdamag nagpplay yung baby music, magdamag din tulog niya. Papadedehin ko lang siya every 4 hours. Dumidede siya pero tulog.. Ihele niyo po habang pinapatulog. Gustong gusto nila ng ganoon. Try niyo rin po iswaddle

Same po tayo nahihirapan ako kay baby wala pang 1week mahina pa yung gatas ko kaya sobrang sakit pag sinisipsip laki na nga ng sugat sa nipples ko , every 2hrs padedehin ang baby ang sabi ng doctor

Trending na Tanong

Related Articles