Ganto pala maging mommy laging pagod... Kaya pala parang galit palagi nanay ko dati sa aming 3 na magkakapatid. 1 yr na si baby at akala ko di na ako totopakin pag pagod ako. Sabi ng LIP ko di na daw niya ako maintindihan sa pagkasungit at maldita ko. Naiintindihan ko naman siya kaso di ko din maintindihan sarili ko. Minsan sinusubukan ko I check kung may mental health problem ako kasi di ko na talaga magets sarili ko bakit ako mabilis mainis palagi. #1stimemom