Ano ang prutas na pampalambot ng cervix? Totoo ba yung pineapple juice?
Ganitong pineapple juice po ba dapat inumin na prutas para pampalambot ng cervix? Wala po kasi kami mabilhan ng pinya talaga. Hindi daw po tag pinya ngayon. :( okay lang din po ba ung nasa lata?

PARA SA PAMPALAMBOT NG CERVIX (Cervical Ripening) Kung ikaw ay mag-sesearch sa internet, makikita mong ang isa sa sinasabing pagkain o prutas na pampalambot ng cervix ay ang pinya. Ito ay dahil umano sa bromelain enzymes na taglay nito na nagpapalambot ng cervix at nagdudulot ng contractions sa tiyan ng isang buntis. Pero ayon sa siyensya ay wala pang clinical evidence na makakapagpatunay nito. Bagamat may isang 2016 study ang nakapagsabi na ang pineapple juice ay maaring magdulot ng contractions kapag inapply directly sa uterine tissue ng isang babae. At hindi sa pamamagitan ng pagkain nito. Ganito rin ang natuklasan ng isang pag-aaral na ginawa noong 2015 sa mga buntis na daga sa Nigeria. Paliwanag ng mga researchers, ang pineapple juice umano ay nagdulot ng contractions sa uterus tulad ng nagagawa ng hormone na oxytocin. Ngunit ang epekto na ito ay nangyayari lang kapag deretsong inilagay ang pineapple juice sa uterus. At nawawala kapag ang juice o extract ng pinya ay ipinasok na sa katawan ng tao sa pamamagitan ng bibig. Kaya naman mula sa naging resulta ng dalawang pag-aaral, masasabing ang pineapple juice o extract ay hindi epektibong pampalambot ng cervix. Ngunit ito naman ay healthy paring kainin ng isang buntis. Huwag lang sosobrahan dahil ito ay maaring magdulot ng heartburn.
Magbasa pa