βœ•

kayo ba ,ma ooffend kayo?

Ganito kasi yan mga mamsh 39 weeks na ako now at ibang midwife yung nag check up sa akin sa lying in. So ayon nga po matatapos na kmi sa check up. Kelangan ko daw bumili ng primose oil. Ang sabi ko , sige po . Tapos mas maganda daw magpasundot daw ako kay mister. Ako naman bilang totoong tao at nagsasabi ng totoo. Sabi ko wala na kami nung nakabuntis sa akin Tapos biglang sabi nya sa akin .."Bakit ? Bakit wala na kayo?" Di po kmi nagkaintindhan at hiwalay na po kami nung nlaman kong buntis na ako.yun nlng sabi ko. Tapos sabi niya"25 kna pala bakit ganyan nangyari .. panganay pa aman eto. E di single parent ka pala. Dapat inayos niyo yung relasyon nio para sa bata." NATAMEME ako kasi nasaktan ako dahil deep inside, sinubukan ko naman makipag ayos sa knya, naniwala ako na maayos pa yung amin. Na kakayanin namin to at magsisikap sya para kay baby.Nag antay ako mga mamsh kong totoo nga sinabi nya ang gusto ko lng naman magpursige sya at gumawa sya ng paraan para may panggastos kmi kay baby. After 2 mons na nalaman nya na buntis ako .. malalaman ko nlng may iba na pala sya kaya di nya na ako kinakamusta. Alam nio yun ang sakit lang .buong akala ko nagppursige sya kaya di ko sya kinukulet nun kasi gusto ko bigyan sya ng panahon para makita ko kong nagppursige nga. Ni piso wala sya naibigay manganganak na ako. Ang sakit mga mamsh lahat ng gastos ko ngyon mangangnanak ako sa magulang ko. Naubos na din ipon ko. Sabi pa ng midwife"bakit sumakabilang bahay ba?" Sabi ko nlng may iba na po sya . Kayo ba mga mamsh, di ba kyo maooffend pag ganon ob o midwife nio? Kasi unang una di nya ako kilala at di nya alam pinagdaanan kko. Pinaulit ulit nya pa knina na mgging single parent ako.

21 Replies

Jusme!!! Sakit sa ulo ng mga ganyang klaseng tao πŸ˜’ Like close ba tayo para i-share ko buhay ko sayo at malaman mo ano nangyari? Napaka-unprofessional nyan ha. Dapat snob mo na lang siya o kaya ganito, "may mga bagay o pangyayari po kasi na hindi naman natin kontrolado kaya ikaw kung pwede kontrolin mo yang bibig mo at baka hindi ko na makontrol ang sarili ko". HAHAHAHA! Char lang! Hay nakooo Sis! Dedma mo na yun! No no no ang bad vibes, malas yan sa buhay. Kaya mo yan! Basta happy and healthy kayo ni baby πŸ™‚ Mamamatay din yung walang kwentang tatay nyan. Bahala na karma sa tulad nya! Psh! Makakatagpo ka rin ng tunay na pagmamahal at syempre yung tatanggap din kay baby at balikan nyu yang midwife na yan! Hahahahaha πŸ˜… Charot! Anyway, God bless sainyo ni baby ❀️❀️❀️

Hay naku nabubwisit talaga ako sa mga ganyang klaseng tao. Hindi nila dapat pinoproblema ang personal life mo. Asikasuhin nya dapat ang pagbubuntis mo hindi yong pinoproblema pa niya ang naka buntis sayo. Ako kasi nabuntis ako sa abroad umuwi lang ako para manganak at naiwan papa ng baby ko don. Sa center at private din ako nagpa prenatal. Alam mo naman sa center dami tanong pati personal na buhay mo itatanong pa. Hindi talaga ako nagkukwento kasi paki nila sa buhay ko. As long as na check ako tapos. Sa ob naman ni minsan hindi siya nagtanong sa personal life ko kahit nakikita nya na mag-isa lang ako pumupunta sa mga check-ups. Kaya nasa iyo yon kung willing ka magkwento o hindi. Pagganyan kasi na mga tanong hindi ko na pinapatulan.

To be honest, ang sarap nga po ng ganyang midwife unless kung sadyang nanandya nasiya nang aasar sayo nasabku g paanong way naman niya ibinibigay sayo ang mga tanong, baka maybe she wants na maging komportable ka saknya mga ganon, dont get them wrong hindi naman nakaka offend kung ginusto modin maging single parent wala naman masama don hayaan mo siya and the more ka naman din sagot ng sagot sa mga tanong then binibigyan mo siya ng free to ask more and more so then walang nakaka offend kasi ikaw nag bibigay pa ng motibo, pwede kanalang umiwas like smile or say ayaw kopong pag usapan yung mga bagay atleast alam niya diba?

Thank you sis . Siguro sa way nya magsalita sa akin kaya na offend ako hindi kasi sincere. Kasi yung mid wife tlga na nagchceck up sakin off duty na kaya sya naabutan ko.

Well walang masama sa sinabi niya dahil totoo naman po saka parang advice lang po niya un.huwag niyo nalang po masamain siguro sensitive lang po kayo dahil buntis kayo. Goodluck po and Congrats huwag niyo na po isip in ung lalaking un! Tandaan niyo po na kaya un nawala dahil hinde siya ang lalaki para sayo! May darating pa na mas mabait at mas mahal ka Pag Pray mo lang po.

Thank youuu siss😊😊😊😊

Naloka ko sa midwife mo momsh. Pag ganyan approach sakin, tititigan ko sya ng sobra yung walang pikitan hanggang sa maramdaman nya ibig ko sabihin. Di ko kailangan sagutin tanong nya, wala ko dapat i-explain. Wala sya pakialam sa personal mong buhay. Ke sumakabilang bahay o impyerno pa si ex. Feeling close lang sayo momsh. πŸ˜’

Tsismosa yang midwife mo. Haha. Personal na bagay yon sayo tapos uusisain pa niya. Ano yon feeling close? Haha. Okay lang sana kung magpayo siya about sa pagdadalang tao mo e hindi na sana sa ama ng pinagbubuntis mo. Sana sinabi mo nalang masyado na pong personal yon saken nalang po. Tingnan ko kung di matameme yan.

hanggat sumasagot k po s tanong nagkakainterest din c midwife n mag follow up p ulet ng tanong n akl nia okei lng po s inu, kpg ayaw nu po na maoffend s mga sinasabi wag n lng po kau magkwento kc ndi nman nila kylangan malaman ang buong story ng buhay, just smile n lng pr end n kagad ng conversation ☺

Sana nginitian mo nalang o kaya tahimik ka nalang. May mga tao talagang ganun. Medyo mamimosa (tsismosa) next time,ganun nalang gawin mo para understood na ayaw mo na pagusapan tungkol sa private life mo.tutal,wala naman kinalaman private life nyo ng ex mo sa kalagayan ng baby sa sinapupunan mo.

VIP Member

Di yan maiiwasan dito sa pinas. Mga di marunong makiramdam kasi minsan mga tao dito eh. LoL. Anyway, next time learn the art of doing the resting bitch face. Para walang aariba sayong chismosa. πŸ’ͺ😘

VIP Member

May mga ganyang tao talaga, minsan akala nila okay lang na sabihan ka nila ng ganun pero kung sila kaya nasa sitwasyon mo tas ganunin mo dn ano kaya maffeel nila. Hahaha! Just my opinion πŸ˜„

Trending na Tanong