Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" 😔 Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko 😔💔 #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang cute cute ni baby momsh. wag ka makinig sa kanila. ako din ilong ko nakuha ni baby, hndi ung ilong ng daddy. kaya minsan un ung kumbaga napagtritripan pero we know we're joking around lng and hndi seryoso ung pagpansin nila sa nose ni baby. so hndi siya big deal sa akin kasi i can see naman na they love my baby. in your case momsh, masyado silang mapanglait. ang cute cute ng baby mo tapos sasabihin na pangit. silang mga nagsasabi ng ganun ang pangit. cguro nga maganda panlabas nilang itsura pero pangit pa rin sila kasi pangit ugaki nila. pati baby kinukutya. saka yang lip mo momsh, pag isipan mo na.parang walang kwenta. wala na ngang naimbag kaht singkong duling, ang lakas pa ng loob magsalita ng ganyan. Kung di nila maappreciate baby mo momsh, mdame mommies dito na naaappreciate si baby mo. Cute si baby and he's blessed to have a mom like you. ❤

Magbasa pa