Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" 😔 Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko 😔💔 #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo sis? Ang cute ng baby mo kung nakuha nya halos lahat sayo. Same din sakin. Yung tipong biro lang sa kanila pero deep inside our heart and mind. Sobra² tayong nasasaktan. Napapa isip ka tuloy na bakit ganito, ganyan? Kalait lait naba hitsura mo? At kung nakuha man ni baby sayo lahat pati ba sya lalaitin narin? Wala silang karapatan sabihin yun or wala na tayong magagawa sa mga tulad nila. Ang best na gawin natin is deadma yung mga sinasabi nila basta tayong mga mommies alam natin kung ano ang tama sa mali. At ang pinaka best sa lahat is lumaki na mabuting tao soon ang mga anak natin. Basta tayo, marunong tayo mag appreciate ng kung ano man ang magiging hitsura ng mga anak natin. Mahalin sila at alagaan ng mabuti.

Magbasa pa