Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" πŸ˜” Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko πŸ˜”πŸ’” #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Don’t stress yourself mommy, ganyan din sa baby ko lagi ako nakakarinig ng kung ano ano esp about sa ilong niya kasi may kalakihan yung sa hubby ko. Pero magbabago pa ang face ng babies mommy magugulat na lang tayo na ang lalo ng mukha nila now paglaki nila. 😊

Pagsabihan mo LIP mo mamsh. Anong klaseng magulang yan? Isa pa yang MIL mo, mag-ina nga sila. Pareho ugali. Ang cute cute ni baby eh. Huwag mo po hayaan may mang-api kay baby. Pagsabihan mo mag-ina na yan. Wala naman pala silang ambag e, wala kang utang sa kanila.

ang cute magsmile ni baby 😍 .. hayaan mo yan mga yan. importante healthy ang baby mo. dont mind them mommy. magfocus ka sa anak mo hindi sa kanila. mas kelangan ka ng anak mo. happy thoughts ang isipin mo kasi pag nega ka. ramdam ni baby yan. mafeel upset sya.

luh ang cute nga ng baby mo eh!! hay nako kung ganyan yang LIP mo iwan mo na yan!! wala na ngang ambag nyemas yan. Yung asawa ko nga gustong gusto pa niya na sa'kin daw sana mag mana anak namin, ako raw sana maging kamukha kagigil yang lalakeng yan!! πŸ€¦πŸ™„

nung si baby sinabihan ng in laws ko ng panget at maitim nagalet ako at sinabi ko sa husband ko na sabihan silang wag nagsasalita ng ganun sa baby ko kundi hnd ko na papahawak sa kanila baby ko. tigasan mo lang mommy, baby mo yan, hnd nila yan baby. love lots❀️

4y ago

ang cute ni baby promise ❀️

huyy ang cute kaya, wag ka magpapaapekto sis. Ang importante healthy si baby and you love your son 😊. Ikaw naman pala gumastos lahat, wala pang support partner mo in aspect ang kapal πŸ˜‘ kakarmahin sila jan. Cheer up sis super cute ni baby and smiling

Ang pogi Naman... Ng baby nayan.😍😍😍. Buti nga po ikaw ka muka eh.. kung Yung Lip mo siguro ang naging kamuka.. Baka sabihin nila Pinaglihi mo sa sama ng loob .. kasi ang Pangit ng Ugali ng LiP mo... wala man lang Suportang Maibigay..πŸ˜…πŸ˜…πŸ˜…

ang cute Ng baby mo ❀️ 😍😊 mommy, ignore mo nlang sinasabi nila... focus tayo sa baby natin at sa binubild natin na family...yan ang importante nandyan c Lord para I guide Tau sa mga Tao na makakatulong satin...😊 Godbless you!

wag mo na isipin yan momsh, wala namang pangit sa mundo ang cute nga niya, wlang pangit na baby sa paningin ng ina😊 dedma mo nalang yan mammy alagaan mo nalang siya baka pagdating ng panahon yan nilalait nya yan pa ang makakatulong sa kanyaπŸ‘

ang cute cute ng baby mo! wag mo silang pansinin! ang mahalaga may baby ka, at blessed ka dahil binigyan ka ng Lord ng baby. swerte ang may baby. maging positive ka lang. wag mo silang pansinin. basta ikaw masaya ka. at masarap ang magka baby!