Pashare lang po

"Galit na galit yung ilong" "Ang laki ng noo" "Ang laki ng mukha" "Buti nalang maputi hindi lugi" Yan madalas naririnig ko sa MIL ko nakakalungkot lang isipin na kahit baby eh kailangan pang laitin dahil lang ako ang kamukha at hindi ang anak nila. Kahit mismong LIP ko sabihin sakin "ang panget eh kamukha mo" πŸ˜” Nakakalungkot lang na ganun pa maririnig ko sa kanila lalo na sa LIP ko na kahit isang damit o kahit bill lang ni baby sa hospital eh wala sya naiambag kahit isang pacg ng diaper ni baby walang ambag tapos ganun pa marinig ko πŸ˜”πŸ’” #1stimemom #firstbaby #advicepls #breastfeedbabies

Pashare lang po
468 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag mo sila pakingggan mommy. Ganyan talaga mga IL.. bitter gaya ng IL ko.. I know the feeling, dati iniiyak ko nlng magisa lahat ng pang aapi nila, iwasan mo nlng cla Kung maari at wag pansinin mga sinasabing hindi magaganda.. strive hard lang for your baby and for your self.. Kaya natin toh.. hugs*

Magbasa pa

grabeee nman yan!!! ang cute nman ni baby eeh... at nagbabago pa ang mukha ng mga baby hanggang sa paglaki.. yaan mo n mommy... may masabi lng sila akala nila ok lng..pag pray mo na.lng sila😊😊 sana walang magsasabi sa akin sa magiging baby ko.. ako ang una unang masasaktan...πŸ˜₯πŸ˜₯

nako momsh kung ganyan partner mo sagutin mo din.. wag mong hayaang dina down ka.. sabihin mo "Kung panget ako eh bakit ngka gusto ka sakin?!" panay ka pa kalabit!! mga ganun.. labanan mo khit pasimple.. . sa mga inlaws mo sabihin mo "magtaka po kau kung ibang kamukha niya" πŸ˜„

cute nman bby mo eh 😊 hiwalayan muna yang partner mo, wlang kwenta sya πŸ˜’ ni piso hindi namlang makapag labas ng pera pra anak nya! anong klaseng tatay sya 😠 kung ako nsa katayuan mo hindi ko na ipapakita sknya yung bata. tutal wla nman syang naiambag sa panganganak mo e

wag niyo po silang intindihan, wala rin naman silang naitulong sayo.. isipin mo nalang na di niyo kailangan nang baby mo na mag fit in sa standards nila. isipin mo nalang blessing si baby, at kahit ganun yung ibang tao sa kanya, meron naman syang nanay na tanggap at mahal sya.

Ang cute cute ni baby. Lakasan mo loob mo, kung wala syang ambag maliban sa gumawa lang ng bata, better leave. Wag mo itolerate ang ganyang tao. Kung ikaw ar pamilya mo gumastos, kaya mo palakihin yan mag isa. Wag tanga. sorry sa word. Wag mo na patagalin paghihirap mo. Leave

noong nanganak ako wala ako narinig saknila n hndi ko nagustuhang comment. Alam kasi nila n mas malakas akong mang alaska. Kaya walang sumubok manlait sa anak ko πŸ˜‚πŸ˜‚ nunkang hindi ko sila patulan. fight me! hahahha. ilaban mo mamsh ang cute cute nga ng baby mo.

buti nalang kamukha mo momsh. Sabihin mo pasalamat nalang sya kamukha mo at hindi niya kamukha kundi baka mas lalong hindi maagwanta. Sarap lecturan yang ex mo momsh. wag mo nang papansinin yang walang ambag na yan. sana mabasa niya mga comments dito. mahiya naman sya.

nako momsh try mo kaya ilayo sa kanila yang baby mo kahit sa lip mo bakit ganyan din mag salita ewan ko lang kung hndi mag habol yang mga yan sa baby mo. saka bulag ba sila? walang kalait lait sa baby mo at kahit meron wala sila karapatan laitin sabihan ng kung ano ano

VIP Member

Ndi nmn sya panget ah tsaka ndi nmn po agad nkikita qng san ngmana c baby kc lalaki pa po sya sa una lang yan pero habang lumalaki makikita mo tlga na ngmamana sya sa inyo parehas tsaka may kasabhan po dba kapag kamuka ni mommy mahal na mahal sya ni daddyπŸ˜…πŸ˜…πŸ˜