Usapang Biyenan
Galit ka ba sa biyenan mo? Or maganda ba ang relationship n'yo?
Hindi ako galit sa byenan ko. Hindi ko rin masabi na maganda relationship namin ng byenan ko. Basta okay lang! :) Kahit di na kami ganun ka-close masyado. Pero thankful ako kase i have them na mabait and supportive parent sa mga anak.
my time na ok siya.. my time na super asar ako.. kasi pakelamera nmn talaga.. pero nung sinita at umalma nmn ako sa pkkelam niya medyo nbawasan naman ng unti. so from time to time my mga galawan at salita siya na hndi ko ngugustuhan..and I guess the feeling is mutual nmn.. haha gnun din siya sakin for sure
Magbasa panope kasi para saken byanan ko ang pinaka mabait, masipag, maasikaso at mapagmahal na byanan sa buong mundo napaka soft spoken nya at never ko pa sya nakitang nagalit or sumigaw lagi lang sya naka smile..kaya mahal na mahal ko ang byanan ko at katunayan nyan ipapangalan namin sakanya ang baby girl nmin๐ฅฐ
Magbasa pahindi. pero ines lng hahahhaa kontrabida. itakwil nya kasi ung anak nya pag pumunta ssmen tapos ngayon ssbhn nya hindi daw ama ng anak nya ang dinadala ko. ayoko magtanim ng galit pero medyo ines nlng nilalayuan ko narin ex ko kasi di sila nakakatulong sa pagbubuntis ko. EMOTIONAL ABUSED MSSYADO! HAHAHHAYS
Magbasa paTsaka mommies buntis ako tama bang makarinig ng kung ano ano sakanya, di na nga niya iniisip apo niya kung kamusta kalusugan. Basta makapag sugal siya bwiset! Pati yung unang asawa ng partner ko gusto papuntahin sa bahay namin ang kapal bahay ko yon bat papapuntahin mo diba? Konting hiya naman saken ๐
Magbasa paMarami akong sama ng loob sa kanila kasi alam ko gusto nila teacher din mapangasawa ng anak nila. Kaya nag paraya ako 1month din naghiwalay kami, grabe ang sama ng loob ko lagi ako naiyak. Kasi yung bf ko pa nun xa nkipaghiwalay. Di ko alam 2months pregnant nko nun. And wala sana akong balak na sabihi.
Magbasa paHindi ako galit. Sobrang bait niya, mas mahal pa daw niya ako kaysa sa asawa ko na anak niya, tapos maasikaso pa at binibigyan ako ng pera na pambaon sa school pag wala akong baon hehe. Lagi rin nagpapadala ng mga gulay or kahit anong pwedeng ulamin pag pauwi ako sa amin. ๐
malayo ang loob ko sa MIL kong babae. Nakikipagplastikan nlang to the highest level! Hahahahaha! Ayuko ng ugali nila na nakasandal sa kapatid nya abroad. Pati asawa ko hindi kmi maka diskarte ng maayos yong kami lang. Kaya pinilit kong bumukod kami lang ng asawa ko.
Hindi naman, pero di ako natutuwa sa ugali nya! Magaling lang pag may kailangan sa totoo lang.. Mabango ka sakanya pag may maiiabot ka, sarili nyang anak parang ibang tao, daig pa ang nangupahan nung tumira sa puder nya!
hindi ko alam kung magagalit ako saknya o hindi. kase ever seen na naging kame ng anak nya against na sya sa relationship namen. pero ginagalang at nirerespeto kopa din sya. tapos ngaung dalawa na anak namen. biglang reretuhan nya ung anak nya ng ibang babae. sinong hindi maiinis don. hays!