Usapang Biyenan
Galit ka ba sa biyenan mo? Or maganda ba ang relationship n'yo?
saka kung nagkataon naman ba ayaw nya sakin. deadma... alis na lang kami. mas pinili ako ni hubby 🤣
next question pls hahaha.. masasabi kung OO galit na galit 🤣🤣 parang kasalan ko na ako naging asawa ng anak nya 😂😂 buti nga pinatulan ko pa anak nya charr
Ayyy super Yung magulang ng ex ko, pinapili ang ex ko Kung kami o sila. Grabe tagapagmana ng kalawit ni Satanas, pinalaki sa impyerno sa sobrang kasamaan ng ugali...
No anger and hatred at all😊 Super supportive sila at love talaga nila ako kaya love na love ko rin sila😍
hindi naman, may nasasabi man ako personal sa utak ko lang yun at sa asawa ko...
Super maalaga sila at laging nandyan para sa amin. Napaka swerte ko.❤️
mabait naman sila lagi akong binibigyan ng kung ano ano di ko nga lang tinatanggap hehheh Kaya moody sila minsan ayaw nila kami pumunta sa kanila
50-50 ayaw ko kasing pinapakialaman pagpapalaki ko sa anak ko.
nope, masungit sya minsan at matalak pero mabait, mapagmahal at mapagbigay ☺️
hindi. super hindi kami close. kasi mga pakialamera sila. cheater pa yung anak nila. Ang ending, wala na kami. Daming alam sa buhay wala naman naitulong. 💆