BFF! #NationalBestFriendsDay

Gaano na kayo katagal magkaibigan ng best friend mo? #NationalBestFriendsDay

BFF! #NationalBestFriendsDay
66 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ewan ko bakit wala akong best friend . Simula kasi noong bata ako wala akong ka age na babae sa amin. Puro lalaki sila lahat tapos nung mga nag binata na sila hindi na ako sumasama sa kanila kasi nagiging tampulan ako ng chismis na kesyo kaya daw puro lalaki mga kaibigan ko kasi parausan daw ako . Na kesyo malandi daw ako . Hanggang sa naging college ako . Madami akong friends pero wala akong best friend kasi may trust issues ako sa tao . May mga tinuring akong bestfriend nung elementary kaso namatay naman sya. Nabangga ng kotse . Tapos yung bff bff ko nung high school nalaman ko pineperahan lang pala ako. Na kaya pala laging sumasama sa akin para tulungan ko sya sa mga projects nya. Tapos nung college may isa akong naging bestfriend . Nalaman ko na naglalandian sila ng boyfriend ko since mabait ako pinaubaya ko na lang. Kaya simula noon wala akong itinuring na best friend. Madami akong friends pero nabibilang lang ang totoong kaibigan . Super friendly ako to the point na pwede na akong kumandidato bilang mayor . Hindi din naman masama ugali ko. Hindi ako mahilig manlait . Hindi naman ako nang aagaw ng boyfriend. Hindi ako madamot . Hindi din ako plastik. Ewan ko . Wala akobg tinuturing na best friend e . For me kasi iba definition ng best friend sa true friend . I dont usually use the word best friend kasi kapag bff ang ginamit mo it means may favorites ka sa mga true friends mo.

Magbasa pa

20yrs. mag katext lng kami kahapon.. wow! hehe still wala nag bago mga 5yo plng kami dami na kalokohan.. un tipong papatulugin kau sa tanghali ng nanay nyo pero tatakasan nyo sila tas tatambay sa video karerahan mang uuto ng ibang bata hihingi balato tas pag napalago mo ung 5pesos mo uuwi kna dami mo dala chichirya tas papaluin ka ng nanay mo.. mag tataka san nmin nakukuha lagi mga inuuwi nmin.. hahaha! laro jolens, teks, patintero, batuhan tao, bamsak tas roller blades sa kainitan ng araw.. ngaun wala puro gadgets nlng mga bata..

Magbasa pa
VIP Member

22 years! Ang tagal na pala naming magkaibigan. Ang tanda ko na rin pala. LOL.

14 years and counting♥️ meron ring 4 years at 2🙈♥️

16years.. kahit magka layo kami still bff pa din😊

14 years sadly namatay na sya last 2015 😔😭

Super Mum

20 years! HS pa lang kami that time. 💕💕

34 years.. Ang bestfriend ko ay ang ate ko..

VIP Member

Wala po akong bestfriend but friends mayron.

6 year's and counting..😊