GAANO KA-POWERFUL ANG LAWAY NI BABY PAGDATING SA BREASTFEEDING?
? Kapag may sakit si baby, malalaman ng katawan ni mommy na mayroon siyang sakit (sa pamamagitan ng laway ni baby) kaya naman magpo-produce si mommy ng antibodies na maipapasa through breastmilk. Ang antibodies na 'yun ang magsisilbing gamot ni baby para mas mabilis siyang gumaling sa sakit niya.
Isa yan sa way kung paano gumagana ang tinatawag na ENTEROMAMMARY PATHWAY.
Ang isa pang way ay kapag si mommy naman ang may sakit at magpapasa naman siya ng antibodies kay baby na magsisilbing proteksyon para naman hindi mahawa si baby o kung mahawa man siya ay mabilis ding gagaling.
? Isa pa sa amazing na nagagawa ng laway ni baby ay ang pagpapagaling sa sugat ng nipple ni mommy.
Additional Tip: Kapag nasugatan ang nipple, lagyan ng breastmilk at pahanginan.
TRIVIA:
Walang antibodies ang formula milk. 'Yun ang isa sa advantages ng breastfeeding.
Source: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=910803942600643&id=902816396732731