LS BL CREAM

?FUN FACT/GOOD TO KNOW: #LSBLCream #BLCream #SideEffects ?Kung makikita po ninyo, ang 'active' ingredient ng LS BL CREAM ay Ketoconazole at Clobetasol propionate. ?Ano ba ang Ketoconazole? - gamot po ito sa fungal infections at yeast infections. - ang gamot po na ito ay ipinapagamit lang ng mga 'doktor' kung wala na pong ibang choice na gamot, at kung sa tingin po nila e mas magiging matimbang po yung mabuting epekto kesa sa masamang epekto po nito. ❌️Ano po ang side effects ng Ketoconazole? - pagkonti ng blood platelets. ang trabaho po ng platelets e pigilan po ang pagdurugo once may sugat sa loob man o labas ng katawan. kapag konti po ang platelets, mahirap po mag-ampat o tumigil ang dugo, madalas na nagreresulta po sa internal bleeding. - folliculitis o pamamaga ng follicles/tinutubuan ng buhok. - impotence sa lalaki (hindi na po tatayuan at hirap na magpalabas ng semilya). - sobrang delikado po sa atay ng tao at pwede magresulta sa liver transplant/pagpapa-opera at pagpapalit ng atay o death/kamatayan. ?Ano ang Clobetasol propionate? - isa po itong super potent o napakalakas na corticosteroid na ginagamit short term/maikliang panahon lamang (hindi hihigit sa 1 linggong paggamit). - ginagamit panggamot sa eczema, contact dermatitis o psoriasis. - ginagamit lang din po ito kung hindi na po tumatalab sa pasyente ang ibang mababang uri ng gamot at kung mas malaki po ang makukuhang mabuting epekto ng pasyente kesa sa masamang epekto po nito. ❌️Ano po ang side effects ng Clobetasol propionate? - pagtaas ng blood sugar. - pagnipis ng balat (kaya namumuti po parte ng balat na ginagamot dahil po sobrang tapang). - stretch marks at discoloration o pagbabago ng kulay ng balat. - pagkasira ng atay. ?Sa kabuuan, ang LS BL CREAM po ay pwede magresulta sa: - cushing syndrome - intracranial hypertension (pagtaas ng pressure sa ulo, pwede po magresulta sa pagkabulag pag may pumutok na ugat) - growth retardation o mabagal na paglaki ng bata/paghinto mismo ng paglaki nito. - diabetes mellitus o pagtaas ng blood sugar - tuberculosis ?FACTS TUNGKOL SA BL CREAM: •Ang gamot po na ito, hindi pwede ipagamit sa baby o bata na wala pa 18 yrs old. Mas mabilis po mag absorb ang balat ng bata at mas malaking porsyento ng gamot po ang naaabsorb ng balat nila dahil hindi pa po developed mabuti ang outer skin layer nila. Ang BL cream ay inaabsorb po ng balat at dumadaloy po ito sa sistema natin. •Hindi po ito 'whitening' cream. •Ang dose po ay nakabase sa kondisyon na kailangan gamutin at dapat po, kasabay ng paggamit nito ang monitoring ng lagay ng atay po ninyo. •Hindi po ito gamot sa rashes, sugat at pimples. •Bawal po sa buntis at nagpapasuso. •Bawal sa may sakit sa atay. •Hindi po ito pwede gamitin sa singit, kili kili at mukha (at sa iba pang parte ng katawan na manipis po ang balat natin) FDA approved po ito pero may 'black box warning'. Ang black box warning po ay ang pinakaserious na warning ng FDA. Nakakaalarma po kasi marami pala sa inyo, di pa alam kung para saan talaga ang BL cream kaya patuloy pa rin sa paggamit. Epekto ng original na BL cream po lahat ng nasa taas, paano pa po kung ang nabili nyo e peke? Itong post na to, pinaghirapan ko po gawin at itype ngayon para kahit papano alam niyo na po na mas marami po itong masama kesa sa magandang epekto sa katawan. Ngayong naipost ko na, ayaw ko po makakarinig ng mga salitang: "Bakit sa anak ko/sa akin, wala naman epekto, masigla nga anak ko".. Opo. Kasi ang epekto po niyan, makikita niyo po habang lumalaki yung bata. Long term effects po. Wala po kayo nakitang epekto sa panlabas, pero nakita niyo po ba epekto sa loob ng katawan niyo? HINDI KO PO ITO PAGHIHIRAPAN ITYPE AT ISHARE SA INYO KUNG WALA PO ITO MASAMANG DULOT SA KATAWAN. WALA PO AKO MAPAPALA SA PANINIRA NG PRODUKTO. PS. Di na po ako makapagtag kasi masama po pakiramdam ko, pinilit ko lang po ito ipost kasi ayaw ko po kayo paghintayin ng matagal. Sana po paghirapan ninyo basahin katulad ng pagpapakahirap ko po magtype para magshare sa inyo. Malaking tulong po ito. NGAYONG ALAM NIYO NA PO LAHAT YAN, NASA INYO NA PO KUNG GAGAMIT PA RIN KAYO. HINDI KO KAYO PIPILITIN NA TUMIGIL SA PAGGAMIT, WALA PONG MAWAWALA SA AKIN. ? Thank you. ❤ Note: This post is not mine nabasa ko lang po and want to share it po. Although hindi po ako gumagamit nito pero may mga nabasa po kasi ako na nirerecomment po ito as treatment po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mga mommy! Just make sure na mayroong advice po ng doctor ang pag-inom/paggamit nito! ALWAYS CONSULT YOUR DOCTOR. :)

Thanks s info