BABAERONG JOWA

FTM DD: July 2020 28 weeks and 2 days preggy Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob dahil wala din ako mapag kwentuhan, hindi ko rin naman pwede sabihin sa mga magulang ko. Ngayon kasi, nahuli ko nanaman jowa ko na may kalandiang iba. At ngayon, tinatanong nya pa kung okay lang ba sila sa sitwasyon nila at kung mahal pa siya nung babae. Hindi ko alam kung alam ng babae na yun na magkaka anak na jowa ko. At kinausap ko siya tungkol don, and as always at the end, ako ang may kasalanan. Hindi daw ako dapat nangingialam ng phone ng iba dahil hindi namam siya ganun saken. Ilang beses ko na rin siya nahuli na nangbabae, akala ko magtitino na, ngayong buntis na ako. Wala naman siya hirap saken, saken lahat ng gastos kay baby ko simula check up, mga gamit at pang pa anak. Dahil yung sweldo nya, kulang pa sa kanya sa dami ng binabayaran niya. Mga gamit na pangarap nya na daw dati pa kaya hinayaan ko siya na kumuha ng hulugan. Lahat na ng luho pinag bigyan ko siya, never ako nag loko sa relasyon namin. Sa kanya at sa kanya lang lahat lahat. Siya din nakauna sakin kaya hindi na rin ako humiwalay at naghanap pa ng iba. Napakarami kong sakripisyo, kahit mga magulang ko, ilang beses na ako pinapalayas sa bahay dahil sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot pa ako magka PPD after, gusto ko na humiwalay pero hindi pa kaya ng puso ko. Hindi ako galing sa broken family, saksi ako gaano ka faithful sa isa't isa mga magulang ko. Kawawa naman ang baby ko kung magkakaron siya ng broken family. Titiisin ko na lang ba lahat at magbubulag bulagan para lang may matawag na daddy ang anak ko? Hindi ko na alam gagawin ko

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ang hirap nmn nito sis, ganyan ang jowa mo dahil siya ang nka una sayo, nasa isip nya wala ng lalaking papatol sayo dahil magkaka anak na rin kayo kaya tiis kna lng sa kanya dahil hindi mo sya kayang iwan dahil siya nga nka una sayo , at isa rin ayaw mo ng broken family... Payo ko sayo ,wag kng mag tiis sa ganyang lalaki babero , stress lng abutin mo lagi habang maaga pa hiwalayan mo na, better to stay single mom kaysa ganyan, kung mag bago xa para sa inyo baka may pag asa pa. Wala rin siyang ambag financially, ikaw lahat mabubuhay mo anak mo sis pero nasa iyo parin ang decision anong pipiliin mo , MAG TIIS KA SA BABAERONG JOWA o Hiwalayan mo. . . Dont forget to ask help from God kung anong better decision mo sis..... good luck wag kna ma stress.... Smile 😊your beautiful

Magbasa pa