BABAERONG JOWA

FTM DD: July 2020 28 weeks and 2 days preggy Gusto ko lang po maglabas ng sama ng loob dahil wala din ako mapag kwentuhan, hindi ko rin naman pwede sabihin sa mga magulang ko. Ngayon kasi, nahuli ko nanaman jowa ko na may kalandiang iba. At ngayon, tinatanong nya pa kung okay lang ba sila sa sitwasyon nila at kung mahal pa siya nung babae. Hindi ko alam kung alam ng babae na yun na magkaka anak na jowa ko. At kinausap ko siya tungkol don, and as always at the end, ako ang may kasalanan. Hindi daw ako dapat nangingialam ng phone ng iba dahil hindi namam siya ganun saken. Ilang beses ko na rin siya nahuli na nangbabae, akala ko magtitino na, ngayong buntis na ako. Wala naman siya hirap saken, saken lahat ng gastos kay baby ko simula check up, mga gamit at pang pa anak. Dahil yung sweldo nya, kulang pa sa kanya sa dami ng binabayaran niya. Mga gamit na pangarap nya na daw dati pa kaya hinayaan ko siya na kumuha ng hulugan. Lahat na ng luho pinag bigyan ko siya, never ako nag loko sa relasyon namin. Sa kanya at sa kanya lang lahat lahat. Siya din nakauna sakin kaya hindi na rin ako humiwalay at naghanap pa ng iba. Napakarami kong sakripisyo, kahit mga magulang ko, ilang beses na ako pinapalayas sa bahay dahil sa kanya. Hindi ko na alam gagawin ko, natatakot pa ako magka PPD after, gusto ko na humiwalay pero hindi pa kaya ng puso ko. Hindi ako galing sa broken family, saksi ako gaano ka faithful sa isa't isa mga magulang ko. Kawawa naman ang baby ko kung magkakaron siya ng broken family. Titiisin ko na lang ba lahat at magbubulag bulagan para lang may matawag na daddy ang anak ko? Hindi ko na alam gagawin ko

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Habang maaga pa iwan mo na.. Wala naman naitutulong pala syo at s magiging anak nyo. Immature pa yan ksi imbes na unahin nya un para s inyo magina inuuna padin luho nya. Nagbibinata pa pala.. Di mo ba naiisip baka un pera nya ginagastos din pang date nya s ibang babae imbes itulong syo pambli ng gamit ng baby nyo.. Baka dmating pa s point na s sobrang sama ng loob mo makaapekto pa s pagbubuntis mo hwag naman sna. Ang mga lalakeng ganyan matagal pa bago magbago kng tutuusin khit sbhin nila ngbago na sila un totoo naglaylo lang sila magloloko at mgloloko padin yan.. Been there, ilan bes ko na pinagbigyan ang asawa ko, kahit buntis ako nagagawa padin mambabae.. Kapag inaaway ko maglalaylo saglit kapag kalmado na ulit ako ayan nnman sya. Gang nagsawa nalang ako pinapabyaan ko nalang sya s mga gngwa nya, binata n din ksi mga anak nmin, impt un sweldo nya naibbgay ng buo sakin. Bahala k mambabae basta buo ang sahod sakin bahala k dumiskarte ng pera mo pambabae mo un nlng iniisip ko. Kya pagisipan mo kng kakayanin m makisama ng pangmatagalan s gnyan klase ng lalake..

Magbasa pa