First Time Mom

FTM Here! Sa hospital po ba tinuturo kung pano lilinisin yung pusod ni Baby? Pano magpadede? Or nagbibigay sila ng mga information and tips? Thank you

21 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

tinuturo pero do your assignment. madalas sa Dami ng pasyente bka d maituro sayo ng mabuti.. mag research kna. Pano mag paligo, mag linis Ng pusod, correct latch. hunger cues. normal n Dami ng dumi sa isang araw. normal na kulay Ng tae ng baby, paninilaw ng baby kelan dapat dalin sa hospital. . signs n busog n si baby, sign n overfeed na si baby, ano gagawin pag may diaper rash. . and the list goes on.. sobrang dmi mo aaralin mother para iwas anxiety pag andyan n anak mo. and alam mo Kung ano ieexpect.. d k rin matataranta. though Yung iba malalaman mo n lng habang nag aalaga ka.. pero iba Ang my alam 🙂

Magbasa pa

Momsh put alchol sa pusod ni baby every diaper change,always pa burp after magpa feed and wag po magpa feed ng nakaflat si baby sa bed. Mga important na sisnbe po ng pedi before kayo lumabas 😊 also pag magpapalit ng diaper always wash with warm water para iwas rashes

Yes po. Tuturuan po kayo ni Pedia bago kayo umalis ng hospital. Alcohol lang po mommy, 70% only. May mga page din po sa Facebook kung paano pag padede, search “Breastfeeding Pinays”.

Super Mum

Yes mommy bago kami pinauwi diniscuss sa amin yung mga dapat gawin for newborn baby like paano linisin yung pusod, kelan at anong oras dapat paarawan si baby and tamang feeding kay baby

VIP Member

Sa hospital na pinanganakam ko oo. Pati tamang pagpapaburp sa baby tinuro din nila. Pero nagreasearch na ko nung buntis pa ko kung pano yung mga yun.

yes po. sabi pa nga samin don kung sino daw yung baby na hindi makakadede sa nanay di papauwiin 😂

yes po tuturo naman yan lahat sa hospital pero maganda na attend ka din sa parenting seminars .

VIP Member

opo pero mas natuto po ako sa mama ko pagdating po sa mga bagay na iyan mommy ❤️

basa po kayo ng books or articles about prenancy o kaya after giving birth. 🙂

may mga legit YouTube hospital channels din po specific for newborn care.