6 months ano maganda food

Hi ftm here. Question po. Mag 6 mos na si LO ko, ano po maganda una ipakain sa kanya? And wala na po akong breast milk kaya pure formula si baby. Okay lang po ba sya ihalo sa gagawin kong puree? Or wag haluan ng kahit ano? May mga nag sasabe kase saken na i-puro ko muna, may nababasa din ako na haluan ng bm-eh wala ako non 😅 ano po maganda? Thank you mommies! #ftm #FOOD #foodadvice

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy, ftm here also and my baby is now 15 months. I was guided by my pedia through feeding until now :) Some of the food you may give is mashed avocado, (boiled and pureed - squash, potato, sweet potato, carrots, broccoli). Pwede mong haluan ng konting milk, pwede rin naman wala (as long as yung food ay ma-swallow ni baby nang maayos, you may add distilled water from the boil you used to cook the veggies). Also, natutunan ko na we need to be careful while introducing food, we need to watch out if our baby has allergies to certain foods like eggs, nuts, and seafood. Since some foods may cause allergy, dahan dahan lang ang pag-ooffer and i-oobserve natin maigi while they eat. I also learned na, if ayaw ni baby ang certain food that we offer, no worries and no need pilitin or ma-pressure kasi they will gradually learn to eat it. :)

Magbasa pa

mag 7 months na si LO ko pero di pa siya dere derecho kumakain. Interested naman siya kaya lang parang di niya trip ang Puree. may halong BM yung ginagawa ko. Ngumanganga naman siya kaya lang nalalabas din sa Bibig niya. minsan naduduwal pa. Try ko hindi haluan ng BM.

Hindi naman kailangan na may halo. Si lo ko, breastfed pero hindi ko hinahaluan ng bm yung solids nya (ang hirap kaya magpump 😭). Kahapon and today lang ako naglagay kasi ilang araw nang brownout dahil sa bagyo at sayang kung masisira lang yung bm stocks ko.

Struggle ako sa pagpapakain kasi di ko lam pano ko iintroduce sakanya yung solid food. Natatakot ako ma choke siya, natrauma ako nung one time na nag suka siya tas di makahinga.