Kaunti ang breastfeeding

Hi ftm here. Mama ko lang katuwang ko sa pagaalaga sa anak ko. Lagi niya sinasabi kapag di nakakatulog agad si baby ko or iyak ng iyak kaunti ang breastmilk ko. Sabi ko naman bakit nakakatulog si baby kapag pinapadede ko sabi nya ganon daw talaga pero di daw ibig sabihin busog. Napapagod din ako kakapadede buong araw kaya humihingi ako tulong sakanya. Siya din nagsabi na onti gatas ko kaya dapat mag mix feed kami. Di ko pa alam weight ni baby ngayong 8 weeks na siya pero mataba naman siya. Nag bote sya twice a day the rest breastfeed on demand na kami. Nagaalangan lang ako bakit ganon lagi sinasabi niya kapag ipapaalaga ko si baby sakanya? Take note two months nya lang din ako breastfed non. Balak ko na tumigil I feel di enough yung sa breastmilk ko bakit try pa? 😭 Hays. Hirap maging nanay. Ayaw naman ng asawa ko magstop ako eh yun nga ayoko na marinig na onti gatas ko bakit pa ko nag breastfeed pala?😭 Help. #advicepls

Kaunti ang breastfeeding
24 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

mommy natry nio nba malunggay capsule or lactation drinks? nahirapan din aq pero nkatulong sila sakin. d ako nagmix feed kc oonti dw tlga milk

Super Mum

if may diaper output si baby, may nakukuha syang gatas. unlilatch and eat healthy foods. think happy thoughts.

di po kasing heavy ng formula ang milk natin. kaya mabilis sila gutumin unlike sa mga naka formula. ☺️

3y ago

Opo ganon daw po saka mahirap nga lang digest yung formula. Kaya nga po gusto ko sana na ebf na si baby khit until 6months. Ayoko na po sana mag mix feed hassle po kasi saka makatipid pag ebf eh

kain k lng ulam n may malunggay. the best yan