BARU BARUAN
hi, FTM here.. going 6 mos na ako. Since kakabalik ko lang sa WFH 2 weeks ago from super long bed rest e susuweldo na ulit ako 🥳 mgstart na din ako bmli pauti uti ng gamit ni baby. Although alam ko na ang gender mas gusto ko pa din ang white 😁 Ask ko lang okay na po kaya ito lang ang bilhin ko? ( ung set po sa pic. below ) okay na po ba yang isang set lang nian? 74 pcs sya.. naka butones sya or mas okay po ung naka tali? salamat po #advicepls #1stimemom
If hnd naman problema ang money pwd na yang set since ang newborn 2-3x a day magpalit. For me ang pinaka sulit dyan is Pajama kasi ako dto sa 2nd ko hnd na ako gagamit mg baru-baruan eh ang hussle mag palit dahil sa tali! diretsyo na sa onesie sa Umaga at pajama at frogsuit naman sa gabi. Yung pranel masusulit mo yan if gagamitin mong bath towel ng baby mo kasi sa eldest ko ganun ginawa ko at until mow na 26months na sya un pdin bath towel nya. Originally hnd ako bumili ng bigkis sa eldest ko kasi nga bawal daw pero nung napansin ko na hnd lumulubog ung pusod ni eldest gumamit ako ayun lumubig na basta careful lang sa pag gamit make sure na may enough space para makahinga at galaw si baby.
Magbasa paok naman po yung set pero magdagdag ka pa po sa mga damit at pajama. pwede ka din po manghiram sa mga friends or relatives mo na nagkababy then labhan na lang po para di ka na po bibili ng marami kasi sandali lang maliliitan din po ni baby yan. ako po kasi 2months pa lang si baby crop top na po mga barubaruan nya 😅
Magbasa paAko hindi na bumili mamsh nang arbor na lang ako sa mga ka work ko na bagong panganak din since wla pa 1month hindi naman na gngamit ang baru baruan. Pero depende yan sayo kasi for me hindi msyado need gastusan baru baruan dahil saglit lang din gagamitin ng baby. 😊
naku mi ayoko mg arbor haha ayaw din ng asawa ko bukod sa naka wfh kme at malayo kme sa mga kawork namen mahirap na daw kahit malinis ung dmit baka daw may sakit na makuha. 1st baby kse namen to after 4 yrs e 😁
ganyan din binili ko mamsh all white diko nagamit lahat lalo yun long sleeves saka bigkis. 3 weeks lang din nagamit ng baby ko kase naliitan nya na agad. Para sakin di ko nasulit yan set. Pero tipid naman yan kung magagamit mo lahat yun nasa set.
salamat mi mg hanap pa nga ako hahaha
Yes My same tayo, all white lang binili ko sa baby girl ko and yung isang set na ganyan din Lucky CJ para makapal ang tela. 🙂 Nasa isip ko kasi pwede ko pa siya magamit if magbubuntis ulit ako and iba na yung gender. 😆
true mommy! same tayo lucky cj din! and ang ganda tlga.
Sakin mi feeling ko di sulit to. Mas makakamura ka if bibili ka ng kelangan mo lang talaga. Like sa bigkis kasi, pinagbabawal ng pedia yan.
ay di naman po ako gagamit ng bigkis mi pero ksama sa package hahaha.. kapag kase by 3s ang bili ko parang mas mahal sya kesa po dito na naka package na at almost complete.
oks na yan momsh, pero mas better if tinatali
salamat mi 😁
ff