Souvenir and pabalot kay ninong/ninang

Ft mag papa binyag, ano po maganda pa souvenir at pabalot sa mga ninong ninang? Yung sakto lang sa mairaos yung binyag pero hindi cheap Ty sa sasagot #advicepls #pleasehelp #firsttimemom

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

skl sa amin mi nagpacustomized ako NeckPillow sa Shopee.. kaso may bad experience ako sakanila... naka preorder ship in 7days.. inantay ko juskoLord sa loob ng 7days ni wala manlang update ni wala sila message sa akin ng sample layout... binigay ko saknila details ng ilalagay day1 ng pagcheckout ko pero hindi nag uupdate . dumating nung 7days hindi manlang preparing.. kaya ang ending kinancel ko🥺 nagahol na ko sa oras ginawa ko bumili ako NeckPillow sa Miniso 14pcs kasi yan lang kadami Ninong at Ninang.. ang bait pati ng Miniso binigyan kami din ng 14pcs na Paperbags.. ginawa ko nagprint nalang ako thankyou cards for ninongs at ninangs at nilagyan ko Ribbon yung mga Neckpillows.. tapos may giveaway din ako customized cupcakes.. masaya naman sila.. at infairness good quality naman din ang Miniso brand.. hindi siya cheap tingnan.. ang totoo mas nagustuhan pa nila kasi aesthetic colors lang.. at for me kahit yung customized neckpillow never ako maglalagay ng pic ng anak ko na celebrant sa kahit na ano souvenirs😅 sinu naman halimbawa gagamit ng Mugs or Pillows na may mukha ng iba.. at ako ayoko din kumalat kung saan saan pic ng baby ko.

Magbasa pa
1y ago

eto siya mi sa physical store ko nabili.. plain lang siya tapos nilagyan ko lang ng ribbon with Thankyou card. then naka paperbag.. 🥰

Post reply image

hi! isa sa idea ko kapag nagpabinyag is oil perfume. tatanggalin ko lang sticker hehe madami po sa shopee. bumili na ko before sa mga reseller dito kaya so far tumatagal naman yung amoy and yung sticker mag print nalang ako ng customized ko sa sticker paper 😊

mas maganda ung mug nlng. dami nun sa shopee nasa 100 each yata. if konti lng nmn po ninong ninang niya sulit na un. magagamit pa nila. pero kung marami, try mo sa shopee dmi pa mahahanap.

FOLLOW UP QUESTION MGA MIII. iba paba yung pabalot sa souvenir? bali dalawa gagawin ko no? BTW THANK YOU SO MUCH SA MGA SUMAGOT 🥰🥰

1y ago

parang hindi na mi kasi twice na ko nagpabinyag.. dalawa kasi anak ko.. wala naman kami ganyan.. Pero dalawa talaga binibigay ko sa mga Ninongs at Ninangs.. giveaways na souvenir + giveaway na food sa panganay ko cake in a jar . eto kay bunso customized cupcake.. at madami beses na rin ako ninang never ako nakakuha ng pabalot😅 pero siguro depende po sa nakasanayan niyo kung taga saan po kayo

Mi yung sa baby ko yung mini soap lang. Crown design na pink tapos may card na yun at plastic balot. 10 pesos each lang.

Sakin po is personalized mini rosary. Mga pangalan ng ninong and ninang ang nakalagay sa rosary.

try mo sa souvenir mi yung floating frame sa tiktok😊

Personalized succulent plants + cupcake

yung mga nattendan ko po, cupcakes.

scented candle + cupcake :)