Emergency CS

Flex ko lang po si Baby Chad Ezekiel ko. Edd: September 3 Dob: September 7 Via Emergency CS September 7 ng umaga nag pa ultrasound kami ng asawa ko dahil worried na kami kasi lampas na sa due date at advice na rin ng midwife para malaman kung ok lang ba si baby, Natapos ang ultrasound before lunch at nalaman din namin na wala na xang tubig, pero active pa din si baby dahil 138 yung heartbeat nya, Agad agad kaming pumunta ng ospital, pagdating doon diretso ER at OR ako dahil hinahabol na yung heartbeat ni baby, sobrang takot na ako na kinakabahan pero pinipilit kong palaksin ang loob ko para kay baby, ang ginwa ko nakipag chikahan na lang ako sa nurse at midwife na nagahit sa akin, sa mga nag aassist sa OR. so ayun 4:46 pm lumabas si baby at narinig ko iyak nya kahit bangag pa ako non sa tinurok sa akin. Worth it lahat ng sakit ng CS, yung uhaw na uhaw ka dahil bawal uminom, yung ang hirap bumangon pero ok lang dahil ang sarap sarap sa pakiramdam ng ang tagal mong hinintay at finally andito na xa. 😍

Emergency CS
2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hello baby! Congrats po 🎉