Sebastyn Vladimir: Mum's Angel

Flex ko lang ang poging pogi kong anak mga mumsh! EDD: Oct. 1 DOB: Oct. 5 40w4d via ECS #FirstTimeMom #SingleMom Eto po yung story ko... After ng 40w0d ko, NST na ko dahil 1cm pa din ako at sabi sa ospital hindi sila nag iinduced unless 40w6d ka na. So every day NST (Non Stress Test) para imonitor ung heart beat ni baby. Every day kong dadalhin sa kanila yung result. NST costs 200 to 350 pero mas mahal pa sa iba. 1cm pa din ako for almost 3 weeks dahil hindi ako mahilig maglalalakad or magtagtag. More more tulog lang ako at walang diet diet. Di din naman ako malakas kumain. Nakapag palaki sakin nun is tinapay talaga. Kasi walang ibang merienda sa lola ko kundi tinapay. 1 week lang 2 kg agad dinagdag ko mga momsh. Last 2 days ng pagbubuntis ko tsaka lang ako nagtagtag pero ending 1cm pa din talaga. Inikot ko buong pasig kakalakad. Laba, exercise. Stressed at pressured na din ako dahil sa mga tao sa paligid ko "oh di ka pa din nanganganak" Oct. 5, 12am habang natutulog naramdaman ko parang umiihi ko, kinapa ko basa nga. Punta ko ng CR, pag upoko sa bowl may umagos na konting dugo. As a first time mom, confused ako kung bakit ganon pero 90% sure na din ako na panubigan yon. Pero hindi ako nagpanic, pinakiramdaman ko muna kasi hindi pa ko nagllabor. Inisip ko ung mga next kong gagawin dahil ung tita kong kasama ko sa bahay ay walang experience sa ganitong sitwasyon. Naka tatlong balik ako ng CR kasi feeling ko palagi akong naiihi at kada iccheck ko may dugo. Nagising tita ko, bakit daw pabalik balik ako ng CR sabi ko pumutok na ata panubigan ko. Then nagpack na kami ng gamit tas punta na ng hospital. Masaya ko kasi alam ko within 24 hours makikita ko na si baby. ❤️ Pagdating sa ospital na pinagccheckupan ko, crowded daw sila dahil dinidisinfect yung delivery room at labor room. So sa lobby sila nagpapaanak. Chineck ung cm ko, 1cm pa din! Then sabi ko bigyan na lang nila ko ng referral para magpaadmit na lang ako sa ibang hospital.. Bungad ba naman kasi saken "Bat dito pa kayo nagpunta alam nyo nang ganto ganyan" malamang dun ka una magpupunta sa ospital na pinagccheckupan mo diba?" Pagkabigay ng referral sakin pinuntahan namin ung option namin na lying in. Di ako tinanggap kasi 1cm pa din ako. Then lipat kami ulit ng ospital. 3am na admit ako. Dinala na ko sa labor room at dun ko na talaga naranasan ang totoong labor! 6am na 4cm pa lang ako. Prinepare ko na din ung sarili ko for CS few days before giving birth, basta kako mailabas ko lang si baby ng maayos at walang sakit masaya na ko. 8am pag IE sakin 5cm sobrang sasakit na talaga ng contractions ko. As in nasa peak na ng tolerance level ko. Naka monitor na din si baby ng NST for heart beat. 11 am bumaba ung heart beat nya so sinugod na agad ako sa delivery room for ECS, hindi ako tinurukan ng anesthesia sa spinal dahil may tattoo ako sa spinal, tinubuhan ako. Tatlong pikit lang wala na kong malay. Pag gising ko mag isa na lang ako sa delivery room. Mga 1pm ako nagising. Nakita ko baby ko mga 5pm. Ang epic pa, dahil di ako makapaniwala na anak ko yun dahil iba ung damit nya at pranela, baka kako napagpalit ganyan. Sabi ko sa nurse sure ka ba na baby ko yan. Hahaha kawawa naman ung anak ko. Kabisado ko kasi ung gamit nya. Then pinakita naman ung tag nya, sya nga. Tas binigy na sya sakin, nag hi ako sakanya, hinding hindi ko makakalimutan ung reaction nya nung narinig nya boses ko, lumingon sya sakin na akala mo nakakakita na ? then pinadede ko na sya. Ang lakas nyang dumede. Pero wala pa pala kong gatas non. After 2 days pa ko nagkagatas. Tyaga tyaga lang ng pagpapalatch. Tulungan kami ni baby. Sobrang worth it lahat talaga. Buong duration ng pagbubuntis ko super stressed ako dahil di ko matanggap na magiging single mom ako. But now, I'm super blessed. ? I know na worth it lahat ng iyak at pagod ko basta nasakin ang anak ko. Wala kong pake sa sasabihin nilang lahat. Basta nasakin ang anak ko. Kahit FTM ko alam ko what's best for him at syempre with guidance na din ng aking mama. ❤️ Ang bait talaga ni Lord. Hindi nya kami pinabayaan ng anak ko. Kaya sa lahat ng stressed at problemado jan, pray lang ng pray. Di Nya kayo papabayaan. ?

75 Replies

Relate ako sa kwento mo mommy . Lalo na dun sa buong pag bubuntis ko stress ako pero nung nanganak ako worth it lahat ng paghihirap ko wala na kong pakialam kung walang daddy ang anak ko . Eto ngayon mas masaya pa ko na anak ko lang ang kasama ko walang stress . Yung tipong pangangailangan lang ni baby ang pinoproblema ko which is na poprovide naman ng nanay ko . Swerte nten sa mga magulang nten . Parang gusto tuloy kitang kakwentuhan kse halos parehas tayo ng pinagdaanan . Ingat kayo ni baby 😘

Congratulations you're one of a kind. Napaka strong mo. You are a blessing to others base on your experienced. Just keep fighting for the sake of your baby. May God bless you 💕

Thank you mommy! Kailangan magpakastrong para kay baby 💙

Nkarelate ako doon sa cm cm lol. Same experience momsh! God bless you momsh khit na single mom ka nagpatuloy kapa din. More love to you and your baby. 😇😍

Mummy ask lng po, pag wala pa po bang gatas yung ano natin, kasi sabe mo 2days pa nagkaroon. ano po ang dinidede ni baby? 😊 FTM po here .. Edd ko po is sa 15

Alam mo sis inadvice sakin ng midwife mag formula na kasi iyak na ng iyak baby ko. Tapos after a week nagkagatas nako.

VIP Member

Congrats po sis. Same tau single mom dn.. Ngpapalakas lng dn ako ng loob at pray lang na maayos dn tung lahat basta para sa anak natin😇.

Im excited for my baby boy too, i hope normal delivery and healthy si baby. Hayyy ftm and single mom din ako. Congrats mommy!

Hello po sa mga first time mom and single mom ❤️🤰👩‍👧

Ang gwapo.. may lahing artista po ba kayo ng tatay ni baby? 😅

Congrats po. Ang pogi 😍😍 Tangos pa ng ilong ❤

Congratss.. Lakasan lang ng loob yan... For your baby

Trending na Tanong

Related Articles