Mula ng magka anak, wala ng confidence sa sarili, iritable na palagi, feeling worthless ina at asawa

Worthless? Alam mo bang tayo ang pinakamahalaga at pinakamagandang babae sa mata ng mga anak natin? Ang pagiging Nanay una natin iniisip talaga ang mga anak natin kaysa sa sarili natin.. Halimbawa bibili ng damit di ba mas iisipin natin na ang bibilhan natin mga anak natin mga branded pa kahit kakabili lang natin sakanila..? Tapos sa atin ok lang ang preloved😅 ganon e.. Selfless na kung selfless mahalaga maayos tayo magpalaki sakanila.. Kung bumababa self confidence mo tingnan mo lang kung gaano ka kaswerte sa anak mo mii dun palang maipagmamalaki mo na sa sarili mo na magaling at mabuti kang nanay.. Love Yourself mommy hindi porket may anak na tayo e papabayaan na natin sarili natin.. Tandaan para saan nga ba tayo bumabangon? 😊 Be Proud nanay ka na❤️ tayo ang higit na kelangan ng mga anak natin😊 Alam mo ba mommy diagnosed with ASD panganay ko at til now may Depression and Anxiety pa rin ako.. Pero pag naiisip ko may mangyayari ba kung forever ako mag iiiyak at mababa ang tingin sa sarili? E may isa pa ko bunso na inaalagaan na buti nalang ay normal lahat sakanya🙏 isipin mo mommy gaano ako ka bruha tingnan magulo alagaan ang hyper Special panganay ko 😆 pero dahil mahal ko pareho anak ko kelangan kayanin.. Maganda pa rin ako sa paningin nila kaya wala ako pakelam sa sasabihin ng ibang tao.. Taas noo ako proud na nanay ng dalawa kong Anak❤️ syempre sa tulong din ng Asawa ko
Magbasa pa

