86 Replies
Ako di ako nag papaniwala sa mga nagbabawal sakin lalo pag pagkain unless may scientific basis kagaya ng hindi lahat ng isda pwede natin kainin dahil may mga isda na mataas ang mercury at masama sa buntis o kaya bawal ang mga raw food like sushi or mga salmon na hindi luto doon kaya maingat ako, pero yung mga nagsasabi bawal talong kasi magiging blue baby o parang nag viviolet daw pag labas, bawal daw pinya lalo pag naglilihi kasi madaming mata or makakapag labor agad, bawal malamig na tubig kasi lalaki ang baby eh pag pasok nyan sa katawan mo iinit na yan dahil mataas ang temp. Sa loob ng katawan natin tsaka walang calories ang tubig kaya wag mag tiis sa napaka init na panahon. At kung ano ano pang naiimbento na bawal haha
Ako kumakain ako ng talong lalo na pag galunggong yung ulam tapos may bagoong. Di naman po bawal basta wag lang sosobra, 2 weeks ako bago ulit kumain ng talong and actually never ako kumain ng talong na hindi prito or torta. Di ko talaga kinakain yung talong pag nakasahog sa ibang ulam, prito is the best for me. Currently 36 weeks preggy wala naman po masama kumain ng talong as long as kontrolado mo. 😊
true mamsh, ewan ko yung sa pamahiin kasi ng mga matatanda eh magkakabalat daw ng malaki yung baby pag labas. Ako isang beses sa isang linggo or dalawang linggo pag kumain eh sliced pa 3 piraso.
at sinong nagsabi sayo na bawal? eh mismo ob nagsabi na hindi bawal ang pagkain ng talong, pinya at yung iba pa na pagkain pinagbabawal kuno ng mga mahilig sa pamahiin , basta wag araw araw wag madami kung pedi eh kahit konte lang. yung sapat lamang po. mag research nga kayo, or tanong niyo sa ob niyo.
ako fav. k tortang talong..hehehehe...ok nmn ang mga baby k mula s panganay hanggang s pinagbubuntis k ngaun...wag lng pinya kc ngpapalambot ng cervix sbi ni oby..kung kakain minimal lng..
Hi mommy. Hindi naman po bawal kumain ng talong pero dapat limitado lang at esp. po sa first tri., search niyo po sa internet para mas maliwanagan kayo. Yung ibang mommies kasi dito na nagcomment, gigil na gigil 😅 Magresearch nalang po at magtanung sa ob. 😊
hindi po xa recommended kung maraming amount at daily kainin.... esp. if nasa first trimester po.. ang talong po ay may properties na nakakapagpatae at nakakapagpa-mens.. so as much as possible iwasan, lalo na yung araw-arawin kainin...
hhmmm.. sabi ng ob ko walang scientific explanation bakit daming nag sasabi na bawal ang talong. healthy nga po sya sabi ng ob ko. if ypu are craving, then eat.
ako hindi kumain ng talong,kasi dun s panganay ko nkalimutan ko buntis ako kumain ako isang beses,kaya anak ko pag labas may taon n tawag sila kulay violet or green s puwitan, mabuti konti lang nawala din. pag daw madami mtgal dw mwala.
sabe ng mga matatanda bawal daw kasi kapag naiyak daw ang baby nag cocolor violet , pero nung preggy ako nakaen ako ng talong pero nung nilabas ko na si LO di naman sya nag cocolor violet kapag naiyak , its a myth lang po na bawal
pang apat na tong pinagbubuntis ko,ganyan bunso ko, nagkukulay talong pag umiiyak,sa dalawa hindi ako nakain ng talong,sa bunso ko lang talaga kasi sv pwede nman daw kumain di daw masama kaya ni try ko ei ayun nga pag labas ng anak ko naiyak nagkukulay talong . kaya ngayon hindi na ulit ako nakain ng talong habang nagbubuntis,
pwede ang talong sis wag mo lang itry kainin ang pinya sis naka palaglag yan kumain ako niyan. dati kaunti lang ang kinain ko ilang araw akong dinugo tapos last day nakunan ako kaya wag mo itry kainin ang pinya sis
Sabi nung iba bawal kase parang hindi ata maganda balat ni baby pag nilabas parang ung skin asthma ung parang madami pekas pekas un ang sabi. kaya ako sinunod ko n lng wala naman siguro masama kung susundin or hnde
neknek hahahha, mas maalam pa sila sa nag aral tulad nila ob/midwife.......
may kasabihan po na bawal daw ang talong sa buntis .. ako po kase nung buntis ako nakain ako ng talong pero konti lng pero okay naman si baby .. siguro di naman masama kumain basta wag lang sosobra ..
Anonymous