Problem with in-laws?

#firstbaby #1stimemom #advicepls Hello mommies long post ahead sana po basahin nyo pa rin kasi po kailangan ko lang po ng advice galing sa kapwa ko mommies 😔. Ganito po kasi yun, nung 1-6 months po si LO ko naki stay po kami sa bahay ng hubby ko hati po sila sa gastusin sa bahay. Nung una po okay naman po kami ng family nya pero habang tumatagal ay medyo nahihirapan po akong pakisamahan sila kasi yung MIL ko gusto nya sya ung masusunod gaya po sa foods na kakainin ni baby gusto ko po sana itry ang BLW then against po sila doon tiniis ko po na cerelac lang at marie ang nakain ng LO ko kasi alam ko na wala akong right na mag complain kasi nakatira kami sa kanila at ang mas masakit pa po doon kapag pinapabakunahan namin si baby sa center palagi pong ikino-compare si LO ko sa ibang baby palaging sinasabi na "Mas matanda ang baby mo pero mas malaki pa ang anak ni ganito" bilang isang ina sobrang sakit po na marinig yun dinedma ko po yun kasi ayaw ko po ng gulo. Tapos feeling ko po minsan alipin ako dahil ako po palagi ang dishwasher sa bahay alam ko naman po na dapat tumulong ako pero may mga kapatid naman po si hubby ko na kayang maghugas pero para wala pong masabi ako na lang po ang nagkukusa. Para po akong bilanggo dahil kung ano lang ang meron na pagkain eh un nalang yung stage ko po is nag ccrave po palagi ako di ko po alam kung bakit. So ayun po, sinabi ko kay hubby ko lahat ang nangyayari sa bahay then nag decide po kami mag leave and cleave, tinulungan naman po nila kami sa paglilipat thankful parin po ako. After 2 months po ng pagbukod namin para po akong nabunutan ng tinik sa dibdib mga Mommies 😭 then dumalaw po si FIL ko binisita si LO ko then ang sasabihin lang "Di ka nalaki apo" di ko po alam kung ano yung basehan nya pero as per pedia naman ni LO ko normal naman ang height and weight nya. Di ko alam bakit po kailangang sabihan si LO ko ng ganun 😭😭. After that, never nila kinamusta si LO ko, as in po. Okay lang naman sakin pero saka lang nagchat samin nung manghihiram ng pera sa hubby ko 😭. What can you say po mga Mommies? Ps. Magbabasa po ako ng mga advices nyo Mommies 😭

5 Replies

VIP Member

Tama yung decision nyo ni hubby na bumukod sis. At nakakatuwa na sinuportahan kayo ng mga in laws mo. Your child, your rules.. ngayon na nakabukod na kayo.. mapapakain mo na yung mga gusto mo ipakain ke lo mo. Wag mo masyado damdamin ang sinabe ni fil kase ganyan talaga sila. May mga tao kase talaga na basta na lang sinasabe ung asa isip nila at di ikinoconsider ang mararamdaman ng iba. For as long as healthy si baby at asa normal naman lahat.. wala kang dapat ipagworry. Masyado lang siguro talaga tayong sensitive pagdating sa mga anak naten kaya ganyan. Siguro nafeel mo na baka may kulang ka kaya ganun ang naging tingin ng fil mo.. pero learn the art of dedma. Tayo ang nanay so tayo ang mas may alam lalo’t napapacheck up mo naman sa pedia si baby. Baka namimiss lang nila lalo apo nila kaya ganun since matagal din kayo nagstay sa kanila. Pwede ipavideocall mo para di naman nila masyado mamiss. Ikaw na magkusa baka nahihiya lang din sila lagi mangumusta

sa susunod mamsh na sabihan nila si baby ng di lumalaki o payat, sabihin nyo na normal lang naman ang weight at height nya sabi ng pedia. masyadong nagmamagaling mga in-laws mo eh di naman mga doctor 😏 Ipagtanggol mo baby mo mommy pero syempre nandun pa rin ang respect 😊 Importante nakabukod na kayo at maaalagaan mo na ng maayos si baby 😊

VIP Member

momsh pinaka importante nakabukod na kayo. ganyan din ako nung una bawat sabihin ng mga in laws ko na medyo di maganda sumasama na loob ko sanayin mo nalang sarili mo sa ganun kumbaga may sabihin sila na di maganda pakinggan mo pero wag mong intindihin basta alam mong tama yung ginagawa mo go lang..

hehe good for you naka Alis kna.. wag mo n lng pansinin. alam mo nmn n Tama Ang height and weight Niya.. gawin mo n lng dapat mo gawin and don't mind them. wag mo n rin pilitin n I please sila.. hayaan mo n lng. 🙂

TAMA NA BUMUKOD KAYO. JUST FOCUS ON YOUR BABY. IPAGDASAL MO NA LANG SILA.

Trending na Tanong

Related Articles