21 days old; may sipon, ubo, at halak :(
(FIRST TIME MOMMY) hello, pahelp naman po, mga mommies. :( ano po kayang magandang gawin? may sipon at ubo po kasi si baby, may plema na siya kapag umuubo at ilang beses ng nasamid. may times din na kapag humihinga siya eh may bigat na sa paghinga niya. wala naman siyang lagnat at never pa nagkaroon non. gusto siyang iadmit agad dito sa hospital malapit sa amin (w/o even conducting lab tests first para malaman kung ano sakit ni baby) eh naaawa ako kasi baka mabugbog lang at hindi kayanin ni baby since sobrang liit at bata pa nito para sweruhan and all. kaya salinase drops muna ang ginagawa namin since wala siyang pwedeng itake na kahit na anong gamot (according sa doctor sa hosp kasi sobrang bata pa raw niya), any alternatives po ba na pwede, mga mommies? or advice na maibibigay niyo kasi sobrang takot at paranoid napo ako eh. thank you po :(