HOW TO BOOST BREASTMILK?

First time mom 4 day old baby girl Hello ask lang po kung paano nyo napadami ang breastmilk nyo? I'm a first time mom po. Mula nanganak ako, nagkalayo kami ng baby ko ng 2 days kasi na NICU sya :( Nakakaaffect ba yun kaya wala akong gatas ngayon? Pinapalatch ko si baby kaso di ko alam if may nakukuha ba sya talaga saken. Chinecheck ko yung poop nya, color green. Yun pa ata yung mga kinain nya nung nasa tyan ko palang sya. Hindi rin gaano napupuno ng ihi yung diaper nya. Nakakafrustrate na magkagatas :( Umiinom po ako ng Natalac sinasabayan ko pa ng Milo. Sinubukan ko mag manual pump pero super sakit. Ano po ba talaga dapat kong gawin? :( #advicepls #1stimemom #pleasehelp #firstbaby

HOW TO BOOST BREASTMILK?
59 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mamsh! EBF mom po ako 🙂 I tried various of techniques para ma boost supply ng breastmilk, syempre hindi mawawala yung malunggay dyan, I suggest pwede ka kumain ng lactation treats, or inom ka ng M2 malunggay na pure or pwede mo ihalo sa Milo, kain ka oatmeal pwede din yan, eating tahong will super help also or inom ka ng Natalac malunggay capsule yun, specially made for breastfeeding moms 😊 tapos unli latch ka lang kay LO para ma stimulate yung breast. until now EBF parin ako kay baby, 9 months na sya ngayon ❤

Magbasa pa

hi Mommy, i've been away to my LO for 17days dahil sa naquarantine ako. but when i came back home nagpa BF ako and sobrang hina talaga..nag research ako paano mag hand express paano dadami gatas so ayun po, more on latch lang and mas matagal na latch ginagawa ko kay baby. tapos kain lagi ng masabaw na foods and inom warm water.. lalabas din yan.. saken di pa rin naman gaya ng sa iba na talagang nag uumapaw pero im sure nabubusog naman si LO ko..

Magbasa pa

momshie best po dyan pampalabas ng milk tulya na may sabaw haluan Nyo ng malunggay pero po hinay hinay po sa pag breast feed si baby mabilis po makalabas ng milk yun baka malunod ganyan po pinakain sken ng mother ko sa first baby ko kse mahina po ang gatas ko and after ko kumain nyan sumisirit na po ang gatas ko nag oover flow na sa mukha nya and sa damit ko every 4hours palit damit sa sobrang lakas ng gatas ko hehehe share ko lang po

Magbasa pa
VIP Member

dadami din yan mamsh ilang araw pa lang naman si baby kasi ilalabas ng breast natin eh sapat lang sa kailangan nya maliit pa naman tummy nya. patuloy lang ang unli latching dadami din yan. pero dati umiinom ako non buko juice bilis makapadami ng gatas jusko lumaki din naman dede ko😅 tapos lagi may sabaw at pa mirienda pa ako ni Mama tuwing 12 am at 3am gatas at tinapay or biscuits effective kasi lagi matigas

Magbasa pa

higop ka lang ng masabaw na pagkain momsh, tapos inom ka ng warm water. Ganyan din kasi ako nung mga 2 days old pa lang si baby. Sobrang konti lang ng lumalabas na gatas sa nipple ko kaya palaging iyak ng iyak si baby ko. Tinry kong pisil pisilin yung nipple ko tapos pag may lumabas sinasahod ko sa bote ng dede niya. Ayun ika 8 days na niya ngayon medjo lumalakas na din yung agas ng gatas sa dede ko

Magbasa pa

Hello, 1st time mom din ako at ganyan din naging prob ko kaya naiwn sa Nicu si babh for 3days. Inom po kayo ng maligamgam ng tubig palagi at sabaw. Sa ngayon 11days na si baby at puro may sabaw po ulam namin palagi at di di malamig ang iniinom ko. Padedein mo lang si baby pag nagkasugat suvat na yung nipples mo kusang lalakas yung paglabas ng gatas mo po.

Magbasa pa
VIP Member

kumain ka mommy palagi with madaming sabaw,better kung lahat ng uulamin mo is may malunggay.asawa ko lahat ng niluluto nya yung pwedeng samahan ng malunggay.kahit wala pa si baby nadedede sayo continue ka lang meron at meron yan.Maganda din sana kung mahihilot ka.dito kc sa province namin ganon.ako ilang beses pa din hinilot bago lumabas ang gatas.

Magbasa pa
VIP Member

14months na si baby ko, EBF kasi ayaw nya magbottle, kahit kumakain na xa mas marami parin kaming time sa latching...basta continue lang ang paglalatch ni baby may naproproduce ka...more water, green leafy veggie is a big help...sometimes when I ate some sour food I feel that didnt produce that much but eventually it did come back

Magbasa pa
VIP Member

Ako po momsh, kinabukasan na nakapagpadede kay baby kasi walang lumabas na milk the 1st day. Malunggay nilaga lang po iniinum ko until now (5months na si baby). 3x a day po ako umiinum ng malunggay then water naman to sustain the day. Tiyaga lang po momsh dadami din yang breast milk mo. God bless po 🙏👼😇🤗

Magbasa pa
TapFluencer

bsta malakas ka lang sa tubig.sa pgkain naman nasa sa iyo naman yan.pero mas maige ung nakadirect Mismo sa breast mo si baby kysa ipump pa.mas nakakalakas kc un.para sakin lng neh.kc ung dalawa Kong anak breast feed sila hangang 4yrs old sila.no vitamins napakatalinong mga bata