Pregnancy check up

Hello first time mom po, 4 weeks preggy base sa app. Kailan po kayo talaga nagpapa check up? Kasi sabi sakin kahit daw sana 3months na yung tummy ko don nalang ako magpa check up. Kayo po ba or karamihan sa inyo ilang weeks or month bago kayo nagpa check up?? and kung okay lang ba di agad magpa check up kung okay naman nararamdaman and since maaga pa naman. Thank you #firsttimemom #advicepls #pleasehelp #firstbaby

81 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

4 weeks palang po? Anong araw po kayo nagsex tsaka anong araw ka po nagpt? Ako kasi nagsex mi December 17 tapos January 12 po nagpt accurate na kaya yon? Nega po lumabas e :

3 months po ako nong nag pacheck up, mas magandang maaga nachecheck mo si baby ang kalagayan niya at the same time reresetahan ka din ng mga vitamins mo mommy

As soon as nalamana kong preggy ako, nagpachekup na ko for confirmation na rin. 4 weeks ako nun. The earlier the better mommy para macheck agad kalagayan ni baby.

well ako nag pt ako 3tyms... pos... nga sya pero d aq naniwala pdin kya nag pa chkup aq... at tvs... at nakita 6weeks aq preggy... then after nun every mth na ang chkup ko

7 weeks preggy na pala ako nung nag visit ako sa OB, mas okay na magvisit ka kaagad sa OB for consultation para mabigyan ka niya right vitamins for you and for your baby

TapFluencer

6 weeks po, nung magpositive sa PT. Just to make sure na rin na buntis talaga. Mas okay rin po ksi nalaman ko agad na mababa si baby, binigyan ako agad ng pampakapit.

as soon na mgpositive ka sa p.t check up po agad pra mbgayn k Ng vitamins for ur baby Ang mkpag labaratory ka req. by your o.b . me po 5weeks ncheckup agad

6th week pwede na pacheck up or TVS kasi usually may heartbeat na si baby. Para din mabigyan ka ng mga tamang vitamins ni OB or if need ng pampakapit.

Better po na magpa check up. The first trimester was the crucial part po esp. sa development ng baby. Better safe po, mas okay po pa check na po.

Nung nalaman ko preggy ako nag pa check up agad ako. Need mag pa check up agad, katulad ko may bleeding pala ako, kaya nabigyan agad pampakapit.