Lying-in, okay lang ba sa First time mom?

First time mom here! Ask ko lang po okay lang po ba manganak sa Lying in? First baby ko po kasi. Sa brgy health center lang po kasi ako nagpapacheck up and sabe nila normal lang naman ako kaya di nila ako ma rerefer sa Public Hospital. Salamat po!#1stimemom #advicepls #pleasehelp #pregnancy #firstbaby #lyingin

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

depende yan sayo mi. Ako plan ko lying in. May mga kaibigan ako na FTM at sa lying in rin nanganak. Basta yung pinili ko yung lying in na OB rin ang mag papaanak sayo. Si OB affiliated sa private hospital sabe nya pag di nailabas si baby within 7-8hrs of labor pwede na nya ako itakbo non sa hospital. Quote nya sakin pag private nasa 50-70k NDS 110k naman pag bikini cut at CS Pero kung sa lying in 15k with philhealth. Look at the price range. Napakalaki ng tipid at maitutulong sayo non if kinaya mo inormal. Marami kang mabibiling gamit at makakagala kayo after ni baby or pwede mong gawing savings pag nagkasakit si baby just in case. Sabe nila lakasan lang ng loob yan. Lahat ng panganganak masakit. Walang madali, Yung mga ninuno nga natin they dont have hospitals kumadrona lang at sa bahay lang bakit nila kinaya? Kung kaya nila kaya rin natin. I set natin yung mindset natin na kaya natin at kakayanin kasi kung puro takot talagang ma CCS tayo. Sa hirap ng buhay ngayon mi napakahirap maubusan ng pera. Sabe nga ni MIL ba't ka natatakot manganak? wala ka bang tiwala sa panginoon? At ayun dun ako nagkaron ng lakas ng loob. Our body is design to gave birth. Yakang yaka mo yarn ❤️

Magbasa pa
2y ago

correct, ako din po sa lying in nanganak pero OB pa rin which is affiliated sa private hospital. So try to research ng lying in na affiliated with private hospital para in case na ma-CS madali ka nilang marerefer.