Pintig sa tyan 3 weeks
First time mom here (3 weeks) My pintig po yung tyan ko si baby po ba yon? 1ST TIME MOM HERE PO medjo paranoid lang kasi hindi pa makita si baby sa TVS. gusto ko malaman if andito pa siya :( 3 years in the making kasi to si baby. sana talga mag wish come true na kami. hehe
3weeks is just too early, even sa transV wala pa yan..ang makikita lang is thickened endometrium pa lang .. 3 weeks po ay bago ka pa reglahin nyan talaga if you count correctly... (since ang count ng pregnancy ay from the 1st day ng last period mo, 1st week ay regla week, 2nd-3rd week ovulation, 3rd-4th week implantation) yung pintig sa tyan, kahit di po buntis meron po nyan dahil lahat po ng tao ay may abdominal aorta na tinatawag karugtong ito ng puso mismo nagdadala ng dugo mula puso pababa ng katawan..
Magbasa pa3 weeks is too early pa po, balik po kayo sa sonologist after a month para sure na may makikita. yung akin 5 weeks gestational sac palang then after 2 weeks may yolk sac na then after 2 weeks ulit dun lang na confirm na may fetus na at heart beat 9 weeks and 1 day ako non kaya mas better if after a month ka nalang balik mi para di masayang ibabayad mo about naman sa pintig sa tyan normal po yon sa lahat ng tao lalaki man o babae
Magbasa pasame here sis. 3yrs din kami ng asawa ko, luckily ngayon taon din binigay. 5 weeks na sakin, and walang nakita sa TVS ko. pinauulit ako sa Dec 8, hopefully magpakita na sya kase nakakaparanoid din talaga. lagi ko din dinadasal na mabuo sya, kase sabi ni OB sa tvs malalaman kung nagtuloy. In Jesus name, okay ang baby natin and healthy 💞
Magbasa pabed rest lang sissy ang advice. then ayon, continue lang yung meds. and always iinom ng milk hehe. Anmun at Enfamama ang pinaka suggest nyang gatas. Stay safe sa inyo ni Baby 🥰
actually first 4 weeks di ka pa talaga known as pregnant kasi di pa sya nagdedevelop at di pa confirmed since wala pang nakikita, once you hit 5weeks tas may sac na dun ka lang madedeclared as pregnant nasa google yan, yung pitik sa tyan normal yan kahit di buntis at kahit lalaki Meron nyan. natural na pulso po yan
Magbasa paThank you po sorry po sa question medjo nakakaparanoid lang po and super eager na magkababy hehe
Too early pa po 3 weeks. 6-8 weeks po usually may heartbeat si baby and di pa masyado ramdam movements nya kasi po sobrang liit nya pa nyan 🙂
No worries. Pray lang po kayo 🙏
too early for 3 weeks para sa tvs. abdominal aorta yung pintig sa puson. pulso yun. for 3 weeks dugo palang yan..
Thank you po!!
pulso po iyon momshie.
Thank you po. Nakakaparanoid po kasi talaga :(
3 weeks? HAHAHAHA
May nakakatawa po ba sa tanong ko? 1st time mom po kasi and I believe support system po tayo dito :)