Hi mommy share ko lang sakin. 6 weeks din ako nagkainfection ako pero nakomplete ko lahat ng gamutan kahit super nakakailang kasi pinapasok nga yung gamot. 18 weeks na ko today and masakit din minsan puson ko. Parang mabigat yung pakiramdam. Minsan sa sakit nya nadadamay yung balakang ko. Sinabi ko yun sa OB and sabi nya sakin di maganda yun. kasi yung nararamadaman ko is signs of labor. Labor syang matatawag kung 28 weeks na daw ako pero since 18 weeks pa lang, abortion threat daw ang tawag... Pinapabed rest ako for one week. Niresetahan din ako ng duphaston, which is pampakapit. Nagpaultrasound din ako and wla naman problem baby ko. Mataas nga din matress ko eh so ok ako. Pero pinapabed rest pa rin ako. Also kapag hinawakan yung puson ko may katigasan. di daw maganda yun as per ob.
Advice ko lang mommy, sabihin mo in the most specific way na kaya mo iexplain sa ob yung nararamdaman mo..