Gusto ko na makipag-hiwalay
First boyfriend ko siya at 1 year mahigit na kaming may relasyon. Nabuntis niya ko. Handa naman siyang panindigan kami ng anak niya. Kaya lang, napapagod na ko umiyak at nasasaktan ako ng sobra dahil nararamdaman ko na kahit na sinasabi niyang mahal na mahal niya ko, hindi ko maramdaman. Hinahayaan niya lang ako umalis tuwing nagtatampo ako. Hinayaan niya lang akong umiiyak at nagmumukmok at siya ay kakain. (Niyaya naman niya ko) Nasasaktan ako sa tuwing nararamdaman ko na naiinis siya sa akin tuwing tinatanong ko siya pero hindi niya sinasabi sa akin na naiinis. Hindi niya rin ako kinakausap na nakatingin sa mata. Lagi na lang NBA or Youtube ang inaatupag niya. Hindi ko na alam, mahal na mahal ko siya pero nasasaktan na ko. Ano ba dapat kong gawin?
Hmm