Study o Alagaan si Baby?
Hello fellow mamshies! Yes isa na rin po akong mommy at the young age of 18 nakapagdeliver na po ako ng baby. You can judge me na "ang aga naman" BUT please don't judge me for being a mother cause I know to myself na simula newborn ang aking anak ay naging hands on na ako sa pag-aalaga sa kanya up to now at may work rin po ang mister ko na na syang nagpo-provide sa lahat ng pangangailangan namin. So maipagmamalaki ko pong sabihin na kahit na maaga man naging responsable kaming magulang. So kaya ko po unang nasabi ang mga ito dahil gusto ko pong malaman ang inyong opinion sa bagay na talagang nahihirapan ako kung si baby or pag-aaral ang uunahin ko. Turning 2 years old na po si baby sa Sept. and breastfeed po sya and as in super clingy nya po sa akin eh na di sya makakatulog if di sya dumedede sa akin at di ko po maimagine what if bigla na lang ako mawalay sa tabi nya which is for her future naman ang gagawin ko. Yun nga lang po is di ko na sya maaalalayan at mawawalan ako ng oras sa kanya. Pati pagdidisiplana na gusto kong ugaliin nya baka di ko na maituro. Pero ang byenan, mother at asawa ko ay gusto na akong pag-aralin dahil sayang naman daw ang panahon at para rin naman sa future ni baby. So please help po. Kung kayo po ang nasa sitwasyon ko ano po ang pipiliin nyo? Salamat po sa mga sasagot! :> #pleasehelp #advicepls #1stimemom #worryingmom #firstbaby
Mommy of a little mermaid Elleira ❤