Bakit ganto pakiramdam ko? 🥺

Feeling ko hindi pa ko nanganganak may pospartum na ko. 🥺🥺 Pag nakikita ko yung mga strechmark ko sa hita at likod ng binti hindi ko mapigilan mastress 🥺🥺 pag titingin ako sa salamin ang layo layo ko na sa dating ako ang taba ko na. 🥺🥺 Parang sobrang insecure ko na at wala na kong confidence na natitira sa katawan ko. Pasensya na kayo kung dito ako nag oopen. Nadodown lang kasi 🥺🥺 kada nalulungkot ako sa changes na nangyayari sa katawan ko kinakausap ko nalang si baby sa tyan ko para mapanatag ako na sya naman ang magandang regalo na ibibigay ng Diyos sakin. Pasensya ka na anak hindi mapigilan ni mommy malungkot at mastress. Pasalamat rin ako sa asawa ko kasi kada nagooverthink ako lagi nya sinasabi na part lang ng pagbubuntis to at hindi naman ako mataba sakto lang daw (kahit alam ko naman pinapagaan lang nya loob ko) minsan kasi hindi ko na mapigilan isipin na baka mambabae sya dahil sa mga changes sa katawan ko. Haaaays. Salamat po sa pakikinig mga mommies! #1stimemom #32weeks

8 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mamshie! Honestly pregnancy is unglamorous. 😅 Sa totoo lang, kahit naman ako had doubts when I found out Im pregnant, Im also recovering from trauma (issues) Pero I try to take it day by day. And accept na, gaining weight, having acne, strwtch marks, dark pigmentation, vomiting, and mamy more are all part of the pregnancy journey. Isipin mo nlng din its part pf the process of creating a new life na we will forever love! It helped also na may psychologist ako even before pregnancy. MEDITATION, YOGA, AND a bit of PHYSICAL ACTIVITY and RESEARCH helped alot.

Magbasa pa