Tinutulungan ba kayo ni Mister sa gawaing bahay? ang mister nio ba ay couch potato pag masa bahay?

Feeling ko ang sama ng loob ng asawa ko pag nauutusan ko sya. Ako masama din loob ko pag mga simpleng bagay hndi pa nya magawa gaya ng paglalagay ng pinagkainan sa lababo, paglimot mh maliliit na kalat etc. Feeling ako ako lang ang may asawa na walang alam sa bahay.. nakaka iyamot at nakakahurt kase minsan pagod kana sa bahay paulit ulit malang ang routine mo tapos ang asawa mo pabandying bandying lang.. hayyyyy#advicepls #bantusharing #theasianparentph

44 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Maswerte ako sa lip ko dahil talagang nagkukusa sya at mas lalo ko pa sya minamahal ngayon. Pag madaling araw magigising baby namin sinasabihan nya ako na, "sige na matulog ka na ulit ako na bahala kay baby." kahit na maaga sya pumapasok sa trabaho. Pag usapan nyo mommy, talk to him sincerely & privately. Ipakita mo sa kanya na napapagod ka rin at kailangan mo ng tulong nya. Prayers for you. 😇😇😇

Magbasa pa