Advice naman po

Feb 26- nagtry ako magpt kasi delay na ako ng 3 weeks, then pagcheck positive hindi paren ako makapaniwala then nagtry ako ng dalawang pt ulit. Feb 28- nagpacheck up ako then request ni ob na magpatransVaginal ultrasound ako. March 1 - nakuha ko yung result , walang nakita na baby baka daw false positive lang daw. sobrang lungkot ko. March 9 - nagtry ulit ako magpt. POSITIVE parin sa PT. Anung ba dapat kong gawin napaparanoid na tlga ako?Hindi ko alam kung buntis ba ako or hindi? naguguluhan na ako ah.#advicepls #pleasehelp

Advice naman po
11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din ng yare sakin momshie . dalawa pt para ma sure ng pa blood test ako positive din , ng pa check up na ko .pinag transV ako wala nakita baby sa ultrasound ako . tapos ayun pina HCG ako para malaman kung pregnant ako . ayun nung nakita results ? negative siya πŸ₯Ί kaya daw ng positive sa pt kasi mataaas daw hormones ko may chance talaga mag Positive kahit d talaga buntis πŸ˜” kaya daw na delay ako ? kasi grabe daw ako stress at puyat , pag dugo ko na parang spot ? dala din daw ng stress 😞 kaya ng loko ang mens . pero after daw nun may chance na maka buo πŸ˜‡ ayun after 2 mons i have a baby na πŸ’“ 9 weeks siya na πŸ₯°

Magbasa pa
4y ago

Hi. ako 5 times nag PT all positive . March3 nag pa TVS sa lying in lang. walang makita na baby. ansabi saken baka too early pa daw. kaso di ako makampante kaya nagpa TVS ulit ako March6 sa private hospital kaht mahal para sure na makita si baby if ever. kaso wala pa dn makita sa uterus ko. pero may nakitang complex mass sa Fallopian tube ko. ectopic pregnancy pala ako :( Till now, under observation pa dn ako kung bababa ang Beta HCG ko. kase from 67.11 naging 30 sya kahapon. sana mag negative na ko para di na ko need operahan pa. pero experience ko lang po ito mamshh ah. wag naman po sana mangyare sainyo kase sobrang sakit.. maganda po pakiramdaman nyo sarili niyo, observe nyo. wag muna magkikikilos then check ups and pa BETA HCG ka po para sure.. Praying for better results πŸ™