Pagputok ng panubigan
Excuse po sa mga mommies.. Paano malalaman kung ang discharge sa panty ay pagpitok na pala ng panubigan? Ano po pinagkaiba nito sa normal discharge? Katapos ko lang din kasi kanina mag squat exercise. #firstTime_mom #37weeks_4days #WaterbrokeVSNormalDischarge


Wag na po mag panty liner mii para iwas infection. Mag light color undies ka na lang po para if may changes sa discharge mo madali mo makita. Pag mucus plug na po usually para syang sipon ang itsura ( pasintabi sa kumakain dyan) Pag humilab ang tyan mo na parang pakiramdam mo eh nagpuputok ka ng lobo na makunat ang feeling sa bandang tyan asahan mo na po kasunod nun yung parang naihi ng malakas . Ganyan po kase nangyari sakin nung nanganak ako. Parang sa mga teleserye na nasa taxi pa lang kami papuntang OB ko kalagitnaan ng byahe humilab tapos. Boom! Ayun basang basa na damit ko pabg ibaba 😅
Magbasa pamomsh firstime mom din ako at dati curious ako paano malaman kung pumutok na panubigan ko baka biglang pumutok tapos di ko alam pero d pala ganon malalam mo talaga na yon na yon kasi para siyang baloon na may tubig tapos nasagi sa karayom tps pumutok yon yung pakiramdam at wala po siyang sakit kaya goodluck sayo momsh
Magbasa paSame tayo mi, 37 weeks and 4 days, Edd ko ay Oct 12.. worried din ako sa kung panubigan na ba ang lumalabas na liquid sa pwerta ko o ihi lang... Stay safe mi, praying for our safe delivery. 💛
para kng naiihi kapag panubigan madame sya mi. 😊.. akala q nga dti naihi lng aq ahahah kse sbe ko nga naiihi aq un na pala un after nun nkalitaw na ulo ni baby ready na lumabas
ako na nganak ako .Sabi Ng ob ko pumptok DW ung panubigan ko pero Wala ako naramdaman na my pumptok.kaya muntik na ako ma dry lebor.kaya ako punta Ka agad sa ob mo
nung pumutok panubigan ko feeling ko bgLa ako naihi,tapus drdrtsu Yung tuLo Ng water hanggang paa ko para akong nkaihi mii. merun dn kc na paunti unti ung leak Ng water,
pag panubigan po, marami pong tubig na parang ihi. Pag mucus plug, parang sipon na may dugo. Pero mauuna po lalabas ang mucus plug
di ko pa Po naexperience pero Sabi ng churchmate ko pra dw malansa un na liquid na madaling matuyo. consult to ur ob na lng Po to ensure.
pag po raptured bag of water hindi po ganyan. kasi po maraming tubig ang lalabas. clear water sya na parang ihi pero madami
yung sa akin po mommy para po ihi sa dami. mga 10 minutes lang po puno na yung maternity pad ko. clear water po at hindi sticky.
thank youuu mii 🥰
Greater things are yet to come